Home>Entertainment>Showbiz>Denise sad sa graduation ceremony

Denise sad sa graduation ceremony

Denise Barbacena
Denise Barbacena

NOONG July, ibinahagi ni Denise Barbacena na pagkatapos ng 10 taon ay grumaduate siya sa kursong Medical Technology mula sa sa Our Lady of Fatima University, Antipolo. Pero nanghihinayang daw siya dahil hindi sila magkakaroon ng graduation ceremony.

Saad niya sa interview ng 24 Oras, “Actually na-sad nga po ako kasi ang tagal kong inintay pero walang graduation, walang martsa. Ang tagal kong inasam pumunta ng PICC pero I guess, God has another plan.”

Sa ngayon ay tuloy ang pagre-review ni Denise para makapasa sa Medical Technologist Licensure Exam.

Samantala, napapanood pa rin si Denise sa ‘Bubble Gang’ tuwing Biyernes nang gabi sa GMA-7.