Dennis, dedma sa isyu ng negatibong tweets kontra GMA at Bong

January 05, 2019
Dennis Trillo

Masaya ang 2019 kay Dennis Trillo, kaya dedma siya sa isyung nag-tweet siya ng negative patungkol sa GMA Network at kay Bong Revilla.

Hindi raw kasi binati ng network ang pagkapanalo nina Dennis (para sa One Great Love) at Gloria Romero (para sa Rainbow’s Sunset) sa 2018 MMFF as best actor and best actress, respectively.

Kinontra ito ng Kapuso viewers dahil after the awards night, na-report na sa 24 Oras ang panalo nina Gloria at Dennis.

Kinongratulate rin sina Dennis at Gloria sa FB at Twitter.

Ang hindi namin alam ay kung totoong walang congratulatory message sa dalawa sa Instagram (IG). Ito ang dapat i-check ng management.

Mas malala ang tweet ni Dennis na “Bad Idea” sa nag-suggest na sana ay gumawa sila ng movie na magkasama ni Bong Revilla.

Pero, hindi naniwala ang mga nakabasa dahil hindi ito sasabihin, lalo na kung itu-tweet pa ni Dennis.

Pero dahil masaya ang lovelife at career ng aktor, dedma na siya sa mga paninira sa kanya.

Maganda ang feedback at steady ang rating ng Cain at Abel na matagal-tagal pa ang airing.

Marami rin siyang naka-line-up na gagawing pelikula this year at patapos na ang On The Job2 na sa February matatapos at sa June na raw ang playdate.

Sa plug ng Reality Entertainment, kasama ang On The Job2 sa direction ni Erik Matti, kung saan karamihan sa eksena ni Dennis ay sa kulungan.

Anyway, sa birthday celebration ng father ni Dennis na si Abelardo Ho, kasama ng Ho family si Jennylyn Mercado, anak nitong si Jazz at ang ama ni Jennylyn na si Noli Pineda sa mga bisita.

Katabi pa ng dad ni Dennis ang ama ni Jennylyn.