Dennis, masaya ang lovelife at career sa 2018

December 12, 2018
Dennis Trillo,Kim Chiu & JC de Vera

Masayang magtatapos ang taon ni Dennis Trillo sa lovelife man o sa career.

Sa career, sobrang feeling thankful ngayon ni Dennis dahil bukod sa drama series nila ni Dingdong Dantes na Cain at Abel sa GMA-7, mayroon din siyang Metro Manila Film Festival movie, ang One Great Love with Kim Chiu and JC de Vera handog ng Regal Entertainment.

Sa lovelife naman, aminado ang aktor na masaya siya sa piling ni Jennylyn Mercado at mukhang nahanap na nga raw niya ang kanyang “one great love.”

“Gusto kong isipin at naniniwala ako sa one great love. Gusto kong isipin na nahanap ko na siya, kasi okay naman ako, masaya ako ngayon and ganu’n ’yung nararamdaman ko,” ani Dennis.

Feeling blessed din ang aktor na nakasama nila ni JC si Kim sa movie for the first time.

“Masuwerte kami na nakatrabaho namin siya kasi nakita namin ’yung dedication niya sa shooting. Kahit pagkatapos ng shooting, talagang nagbabantay siya sa editing, inaalam niya kung ano ang magandang soundtrack na gagamitin, daig pa niya ang producer, kaya sobrang saya namin na talagang  tutok siya at ganu’n siya ka-involved sa pelikula,” sey ni Dennis.

Paano naman niya inalalayan si Kim sa mga love scene nila?

“Noong una, pareho talaga kaming kinakabahan, pero habang pinag-uusapan namin kung ano ang gagawin, parang mas nagiging kumportable na kami sa isa’t isa and with the guidance of Direk Eric (Quizon), naitawid namin nang maayos and very artistic ’yung pagkakagawa namin,” sey ng aktor.