Dennis, matamis ang pag-greet ng happy birthday kay Jennylyn

May 15, 2020
Jennylyn Mercado

Kahit Kapuso artist si Jennylyn Mercado, hindi siya nakatiis na hindi ipagtanggol ang ABS-CBN at ang Kapamilya stars sa pinagdaraanan ng mga ito ngayon.

May mga kaibigan din kasi si Jen sa Kapamilya network at ilang beses na rin siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema, movie production arm ng ABS-CBN.

Sunud-sunod ang post ni Jen last Wednesday sa kanyang official Facebook fan page.

Una niyang post: “With all the negativity that is happening in social media, let us all remember to respect each other. All our opinions are valid. Just because you disagree with the opinion of others, doesn’t give you the right to belittle or make fun of anyone.

“Our enemy is not each other, but the virus,”  post ni Jen.

May nag-comment na netizen ng, “ya the virus not the drama of abs cbn artista. Ampalaya ako bakit ba?”

Sinagot ito ni Jen: “Pasensya na po. But you are missing the point. What if you put yourself in their position? Wag po natin gawin katawa tawa ang pinagdaraanan nila. Mali po yun.”

Pagkatapos nito ay muling nag-post ang Kapuso Ultimate Star at aniya, dapat ay pantay-pantay sa batas.

Ini-screenshot din ng aktres ang komento ng basher na sinagot niya at sa caption ay inilagay niyang hindi welcome ang mga taong nagkokomento ng ganito sa kanyang page.

“People who comment like this are not welcome in this page. Bilang tao, dapat nagtutulong tulong tayo na iuplift ang isa’t isa lalo na ngayon na may pinagdadaanan tayong krisis. Hindi yung pagtawanan o ibash ang kapwa.

“Yan ang unang tinuro sakin ni Mama Lydia ko, ang maging mabait sa kapwa.

“No one has any right to be mean to any other human being. Nakalimutan na ba natin maging makatao?” pahayag ni Jen.

Samantala, ngayong May 15 ay kaarawan ni Jen at isang napaka-sweet na pagbati ang ipinost ng boyfriend niyang si Dennis Trillo sa Instagram account nito.

Nag-post si Dennis ng video na kumakanta sila ni Jen ng “Finally Found Someone” at makikitang hinalikan pa niya ang buhok ng aktres pagdating sa lyrics na “I love your hair.”

“This is It!!! Flex ko lang yung mahal ko,dahil araw niya today😻 Happy Birthday my love.

“Thank you for everything, for being in my life,for sharing your life with me and for being you, i love you,” caption ni Dennis.

Ang sweet din ng birthday greetings kay Jen ng manager niyang si Becky Aguila.

“From the first time I met her, I knew one thing about Jen Mercado for sure, and that is she is a very passionate person. She takes a leap of faith. Everything she gets into, she takes a risk and is unafraid.

“She is very brave, as seen on how she dealt with all the trauma she experienced in her past and how she was able to rise above it and help others like her, in her own way

“She is also very honest. An artista na hindi showbiz. Which is a rare find in an industry where artists tend to show a false narrative of who they really are. In short, she is kind because she is kind.

“It is a privilege of mine and everyone who has come across this beauty to be a part of her life. She deserves so much happiness.

“Love you Jennylyn. Happy Birthday Sweetheart!” ang birthday message ni Tita Becky kay Jen sa kanyang FB account