Dennis, tuloy ang kampanya na ma-legalize ang medical marijuana

December 15, 2018
JC de Vera, Kim Chiu & Dennis Trillo

Isa si Dennis Trillo sa mga nagsusulong na gawing legal ang paggamit ng marijuana for medical purposes.

May series of posts ang actor sa Instagram (IG) tungkol dito.

Sa isang post, ipinakita ang states sa US kung saan legal ang marijuana.

Ang isa pang post, survey kung gustong maging legal ang marijuana sa bansa.

Pinost din ng isa sa leading man ni Kim Chiu sa Regal Entertainment MMFF entry na One Great Love  ang interview sa kanya sa isang tabloid na nagsabing “Dennis, napatunayang gamot ang marijuana” at nag-comment ng “It’s about f-----ng time!”

Naalala namin na naikwento ni Tom Rodriguez na kung mas maagang gumamit ng marijuana ang amang nagka-cancer, baka buhay pa ito.

Anyway, hindi binabago ni Dennis ang paniniwala niyang ito at sa lahat ng interview sa kanya, consistent sa paniniwalang makakatulong ang medical marijuana sa mga may sakit.

Matutuwa pala sina Dennis, JC de Vera, Kim Chiu, buong cast ng One Great Love pati si director Eric Quizon dahil nagustuhan ang second trailer ng pelikula na inilabas noong isang araw.

Na-excite lalo ang netizens to watch the movie na showing na sa December 25.