Dennis wala pa ring linaw kung pakakasalan si Jennylyn

January 04, 2019
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado

KAPUSO singer-actor Dennis Trillo ended the year 2018 with a bang when he bagged the 2018 Metro Manila Film Festival Best Actor trophy for his sterling performance in “One Great Love,” a love drama movie which he co-starred with Kim Chiu and JC de Vera with actor-director Eric Quizon at the helm. The award was his second best actor award from MMFF.  Nauna na rito ang trophy na nakuha niya in December 2004 for the movie “Aishete Imasu 1941: Mahal Kita” directed by Joel Lamangan for Regal Films na kalahok din sa taunang MMFF. Ang nasabing pelikula ay pinagsamahan nila nina Judy Ann Santos, Raymart Santiago kasama sina Jay Manalo, Angelu de Leon, Iya Villania, Marco Alcaraz, Jaclyn Jose, Anita Linda, TJ Trinidad, Yasmien Kurdi, Tony Mabesa at iba pa.

Ngayong 2019, umaasa si Dennis na mas magiging busy siya hindi lamang sa paggawa ng teleserye kundi maging sa paggawa ng pelikula.

Ang “One Great Love” was the only movie na nagawa ni Dennis nung isang taon.

Nagpapasalamat din si  Dennis sa mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde sa tiwala sa kanya dahil ang Regal Films ang naging daan para makuha niya ang kanyang dalawang MMFF best actor trophies.

Samantala, nakaabang ang publiko kung magpu-propose na siya sa kanyang kapwa Kapuso actress-girlfriend na si Jennylyn Mercado na inaasahan ng marami na mangyari sa taong ito ng 2019.

Sina Dennis at Jennylyn ay parehong may love child sa kanilang previous relationships.  Si Dennis ay may 11-year-old son sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar na si Calix habang si Jennylyn naman ay may 10-year-old son sa actor na si Patrick Garcia.  Sina Carlene at Patrick ay pareho na ring may sariling pamilya.  Carlene is married to a non-showbiz guy na si Yo Ocampo habang si Patrick naman ay kasal sa isang non-showbiz girl na si Nikka Martinez.

Maganda ang relasyon ni Dennis sa ina ng kanyang anak na si Calix na si Carlene ganundin si Jennylyn sa mag-asawang Patrick at Nikka.