Derek at Andrea ‘the better couple’ na

September 27, 2019
Derek Ramsay and Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres

HINDI man nagtagal sa ere (July 1 – September 27, 2019) ang “The Better Woman,” ang  unang tambalan nina Derek Ramsay at Andra Torres, may maganda namang nangyari sa dalawa dahil sa serye na-develop ang kanilang relasyon.

Bago si Andrea, Derek was in a long relationship (almost six years) with model Joanne Villablanca pero nagkahiwalay ang dalawa matapos  pumirma si Derek ng pagiging bagong Kapuso nung nakaraang April.  Magkasama pa ang dalawa nang lumagda si Derek ng kontrata with GMA.

Last Friday, September 27 ay nagtapos na sa ere ang “The Better Woman” kung saan gumanap sa dalawang magkaibang character si Andrea.  Umabot lamang ito sa ere ng mahigit dalawang buwan, isang indikasyon na hindi ito gaanong kinagat ng mga manonood.  Pero kung may maganda mang nangyari kina Derek at Andrea doing the TV series ay doon nagsimula at nabuo ang kanilang pag-iibigan.

Inamin ni Direk na nagkaroon umano sila kaagad ng connection ni Andrea nang una silang magkasama sa Station ID shoot ng GMA.  

Ang isa pang ikinatutuwa  ni Derek ay ang pagiging close ngayon ng kanilang respective parents.  

Samantala, umalis last Thursday, September 26 ang bagong magkasintahan patungong Dubai kung saan may sports competition na sasalihan si Derek.  Last July ay isinama rin ni Derek si Andrea sa Shanghai, China para sa 2019 Asia Oceanic & Guts Championship ng World Flying Disk Feredation, isang frisbee competition.  Malamang na as early as July ay may  relasyon na ang dalawa.  Hindi naman siguro basta-basta na lamang sasama si Andrea kay Derek kung wala pang namumuong relasyon sa dalawa.