Derek at Andrea bistado na

August 21, 2019
Derek Ramsay and Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres

HINDI pa man tahasang inaamin ng dalawang lead stars ng teleseryeng “The Better Woman” na  sina Derek Ramsay (42) at Andrea Torres (29) ang kanilang tunay na relasyon, marami ang naniniwala na may relasyon na ang dalawa dahil bukod sa naisama na ni Derek si Andrea sa frisbee championship games in Shanghai, China last July 23 to 27, naipakilala na rin ni Derek si Andrea sa kanyang parents at magkakilala na rin ang kani-kanilang parents.

Sa recent 76th birthday ng ama ni Derek nung nakaraang July 31 ay naimbitahan si Andrea at ang kanyang parents kaya tapos na sila sa `meet the parents’ stage.  Hindi naman siguro ipapakilala ni Derek si Andrea sa kanyang pamilya kung hindi espesyal ang kanilang relasyon ngayon.

Naisama na rin ni Derek si Andrea sa kanyang training ng frisbee bago sila tumulak patungong Shanghai, China kung saan kasama sa Philippine team ang actor.

Last April nang lumagda ng kontrata si Derek sa Kapuso Network ay kasama pa niya ang kanyang longtime girlfriend of almost six years, ang modelong si Joanne Villablanca at lumutang na rin sa kanilang usapan noon ang pagpapakasal.  Pero bago pa man ito nangyari ay nagkahiwalay ang dalawa.

Sa simula pa lamang ng taping ng first TV series ni Derek sa GMA, ang “The Better Woman” opposite Andrea Torres ay nakakitaan na ng kakaibang chemistry ang dalawa hanggang ma-develop ang special closeness ng dalawa sa set na naturang serye.

It was last July 1 nang magsimulang umere ang “The Better Woman” at bago nagtapos ang buwan ng July ay kakaiba na umano ang spark sa pagitan ng dalawang lead actors.

Kailangan pa ba ng kumpirmasyon na sila na?