Derek at Andrea instant ang naging attraction sa isa’t isa

September 30, 2019
Andrea Torres & Derek Ramsay

MARAMI ang naniniwala  na nagkaroon  agad ng atraksyon sa pagitan ng lead stars ng “The Better Woman”  na sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa simula pa lamang ng pagkikita nila sa story conference nung April 8 ng kanilang nagtapos na serye nito lamang September 27.

Nung April 3, 2019 lamang lumagda si Derek ng kanyang kontrata with GMA at kasama pa niya noon ang kanyang (ex) girlfriend of almost six years, ang model na si Joanne Villablanca.

On the same month nagkahiwalay ang dalawa.

Last April 9, nagkasama sina Derek at Andrea sa summer ID shoot ng Kapuso network.  Magmula noon ay kakaiba na umano ang tinginan ng dalawa laluna nung sila’y magsimulang magtaping ng kanilang teleserye, ang  “The Better Woman”.

Hindi na siguro mahalaga who initiated the break-up sa pagitan nina Derek at Joanne dahil marami ang nakakakita ngayon kay Derek kung gaano ito kasaya kapag kasama ang kanyang bagong girlfriend na si Andrea.

Kasalukuyang nasa Dubai sina Derek at Andrea para sa isang game competition ng actor.

When there was already marriage na pinag-uusapan noon sa pagitan nina Derek at Joanne pero hindi ito natuloy, si Andrea na nga kaya ang ‘Miss Right’ ng actor?

Derek, 42,  has a teen-age son na si Austin sa kanyang ex-wife (of barely one year) na si Mary Christine Jolly.  Since then, Derek has been linked to several women at kasama na rito ang mag-sister-in law na sina Solenn Heussaff and Anne Curtis (who are both married now), ang non-showbiz na si Alexa Amos, Angelica Panganiban, Cristine Reyes at ang modelong si  Joanne Villablanca na siyang pinakamatagal na naka-relasyon ng actor.