Home>Entertainment>Showbiz>Derek kasama na si Andrea sa bagong bahay

Derek kasama na si Andrea sa bagong bahay

Derek Ramsay

NAKALIPAT na last March ang actor na si Derek Ramsay sa kanyang ipinatayong three-storey house in Alabang, Muntinlupa kung saan din nakatira ngayon ang parents ng actor at ang kanyang kaisa-isang teen-age son na si Austin (sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly). Pero bukod sa parents at anak ni Derek, doon na rin umano nakatira ngayon ang kanyang girlfriend of more than one year na si Andrea Torres.

Derek RamsayKung matatandaan pa, ang ex-girlfriend ni Derek na si Joanne Villablanca and her daughter (from previous relationship) ang kasama pa noon ng actor nang kanyang simulang ipatayo ang bahay.

Tumagal ang relasyon ni Derek kay Joanne na isang model nang mahigit limang taon. Si Joanne pa ang kasama ng actor nang ito’y lumagda ng kontrata with GMA in April 2019 pero pagdating ng unang linggo ng June ay hiwalay na ang dalawa at ang itinurong dahilan umano ay si Andrea. Buwan naman ng May nang nagsimula ang taping ng “The Better Woman” na pinagtambalan nina Derek at Andrea na nagsimulang umere sa GMA nung July 1, 2019 at tumagal lamang hanggang September 27, 2019. By the time na ume-ere na ang “The Better Woman” TV series ay obvious na umano ang pagiging extra close ng lead stars ng serye until the couple confirmed their relationship in September 2019.

Ang maganda, bukod sa puso ni Derek, na-win din ni Andrea ang parents ng actor maging ng kanyang only son na si Austin.

Derek looks forward to raising his own family with Andrea.

Samantala, since their first team up in the TV series “The Better Woman” last year ay wala pang follow-up project sina Derek at Andrea sa GMA kung saan sila pareho nakakontrata.

Macoy pumanaw na

Macoy SimacoISA na namang taga movie industry ang pumanaw nung nakaraang Biyernes ng umaga, September 11, ang dating Regal baby-turned-businessman na si Macoy Symaco. Pumanaw siya dahil sa multiple organ failure due to sepsis sa edad na 63.

Si Macoy ay naging aktibo sa showbiz in the 80’s at ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay ang “Hello Young Lovers” in 1981 na dinirek ng yumaong Lino Brocka at tinampukan nina Snooky Serna, Gabby Concepcion, Jenny Ramirez, Rosemarie Gil, Lotlot de Leon at Anita Linda. On the same year ay ginawa niya ang pelikulang “Pick-up Girls,” “Blue Jeans” at “Pabling”. In 1982 ay tampok din si Macoy sa pelikulang “Ito Ba Ang Aking Mga Anak” na dinirek ng yumao na ring director na si Ishmael Bernal. Ito’y tinampukan nina Lloyd Samartino, William Martinez, Albert Martinez, Cherie Gil at ang yumaong actor na si Joel Alano. Kasama rin siya sa pelikulang “Totoy Saudi,” isang action movie na dinirek ni William Pascual.

Macoy was into fish trading sa Malabon at may malaki siyang consignation sa Navotas fish port.

Iniwan ni Macoy ang kanyang misis na si Jo at anim na anak na sina Lorraine, Benitto III, John Douglas, Teri Lee, Rudolf at Michelle.

Hindi na nagkaroon ng wake kay Macoy na agad na-cremate kinabukasan, September 12.

The sad news was relayed to us by Macoy’s good friend at dating kasamahan sa Regal Entertainment, ang supervising producer at talent manager na si Manny Valera.

Kier gustong magkasundo sila ng anak na si Dani

LAST April 23 ay first year wedding anniversary ng mag-asawang Dani Barretto at Xavi Panlilio at nung nakaraang September 13 ay first birthday naman ng kanilang first born na si Camilla Marguerite or Millie. Since parehong nasa gitna ng community quarantine ang magkahiwalay na special dates ng couple at ng kanilang baby daughter ay sa bahay lamang nila ito idinaos.

Sina Dani at Xavi ay ikinasal nung April 23, 2019 at September 13, 2019 naman isinilang si Millie.

Up to this day ay hindi pa rin in good terms si Dani sa kanyang amang si Kier Legaspi kahit sinubukan ng huli na mag-reach out sa kanyang anak, his only child.

Umaasa si Kier na sana’y maging maayos ang kanilang relasyon ni Dani.

Saab may miracle baby

SINGER-actress Saab Magalona considers her eldest son na si Pancho Gerardo (named about her late grandfather Pancho Magalona) a `miracle baby’ dahil ilang buwan din itong nanatili sa NICU (Neonatal Intensive Care Unit) and almost did not make it tulad ng twin sister nitong si Luna Isabel na wala nang buhay nang isilang.

Pancho miraculously survived at isa nang bubbly child at age two and seven months habang ang second son ng mag-asawang Saab at Jim Bacarro na si Vito Tomas ay magwa-one-year-old naman bukas, Wednesday, September 16.

Ang dalawang anak ng mag-asawang Saab at Jim na sina Pancho at Vito ay first two grandsons ng yumaong Master Rapper na si Francis M (Magalona) at wife nitong si Pia Arroyo-Magalona.

Direk Lav wagi sa 2020 Venice filmfest

Lav DiazANG award-winning writer-director na si Lav Diaz ay siyang tinanghal na Best Director Orizzonti or Horizons Section sa 2020 Venice International Film Festival para sa pelikulang “Lahi, Hayop (Genus pan)” na kuwento ng journey ng tatlong illegal miners.

Si Lav ay kilala sa pagsusulat at pagdidirek ng mahahabang pelikula na inaabot ng ilang oras tulad ng “Hele ng Hiwagang Hapis” at “Ang Babaeng Humayo” at iba pa.

Si Lav din ang director ng comeback movie ni John Lloyd Cruz, ang “Servando Magdamag” base sa Palanca award-winning short story na sinulat ni Ricky Lee. Tampok din sa nasabing pelikula sina Charo Santos-Concio at ex-girlfriend ni John Lloyd na si Shaina Magdayao.

Tito Sen may bago ring apo tulad nina Vic at Joey

TULAD ng dalawang kasama sa Tito, Vic and Joey at Eat Bulaga, si Senate President Tito Sotto ay may bago ring apo.

Gian Sotto, Joy Woolbright-Sotto with children
Gian Sotto, Joy Woolbright-Sotto with children

Ang misis ng anak ni Tito Sen na si Gian Sotto, si Joy Woolbright ay nagsilang last September 12 (Saturday) ng kanilang pang-anim na anak na isang baby boy. Ang lima pang anak ng mag-asawa ay sina Sancho, Rosano, Amari, Edrigo at Hugo. Ang mga nabanggit ay mga apo ni Tito Sen (Tito Sotto) at misis nitong si Helen Gamboa-Sotto sa kanilang kaisa-isang anak na lalake na si Gian.

Ang bagong apo naman ni Vic Sotto na si Sachi Brielle ay first born ni Paulina Sotto-Llanes (anak ni Vic kay Angela Luz) sa mister nitong si Jed Llanes.

Unang apo naman ni Joey de Leon sa kanyang anak na si Jako sa wife nitong si Gill Salita-de Leon si Baby Jakob Ethan na isinilang nung May 1, 2020. Ito bale ang unang apo ni Joey at misis niyang si Aileen Macapagal. May mga apo na rin si Joey sa dalawa niyang anak (sa actress na si Daria Ramirez) na sina Cheenee at Keempee de Leon.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)