Derek lilipat na ng bagong bahay, Andrea tanggap na ng pamilya

March 11, 2020
Derek Ramsay and Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres

SA March 15, 2020 ang target ng Kapuso actor na si Derek Ramsay na lumipat sa kanyang bagong ipinatayong bahay dahil nabili na umano ang kanyang lumang bahay at lilipat na roon ang bagong nakabili at bagong may-ari.

Derek is back in Manila with girlfriend Andrea Torres and their respective families from a week-long vacation in Japan.

Masayang-masaya ngayon ang 43-year-old athlete-actor and celebrity endorser dahil maganda umano ang pasok sa kanya ng taong 2020.  

Derek is moving in sa kanyang bagong ipinatayong bahay, closed some new endorsements and will soon start his new TV series on GMA.  Bukod dito, lalo umanong lumalalim ang kanilang relasyon ng girlfriend niyang si Andrea whose parents are now close to Derek’s parents.  Malapit na ring mag-isang taon ang relasyon ni Derek sa kasintahan niyang si Andrea na nakilala niya nang simulan nila ang kanilang unang teleserye sa pinagtambalan nung isang taon, ang “The Better Woman”.

Derek has a teen-age son na si Austin sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly na nasa poder ngayon ng actor.

Kung 43 na si Derek, si Andrea naman ay magti-30 years old sa darating na May 4 at siguradong may nakahandang sorpresa ang actor sa kanyang girlfriend of less than one year.