Derek na-trauma nang magpakasal?

June 09, 2019
Derek Ramsay

NA-TRAUMA na ba ang bagong Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay sa pagpapakasal dahil pagkatapos ng kanyang first marriage in 2001 sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly na halos isang taon lamang tumagal kaya ayaw na nitong muling magpakasal?

Si Derek ay may isang teen-age son (16) sa kanyang ex-wife, si Austin Gabriel now 16 years old.

Not everybody knows na naging girlfriend ng 42-year-old na si Derek ang Kapuso singer-actress-host and celebrity endorser na si Solenn Heussaff na tumagal ng halos apat na taon.  Ipinalit naman sa kanya ni Derek si Anne Curtis na tumagal lamang ng almost one year.  Pagkatapos ni Anne ay si Angelica Panganiban na ang naging kasintahan ni Derek na tumagal ng almost six years, his longest.  Nang mag-break sina Derek at Angelica in 2012, sandaling naging girlfriend ng actor si Cristine Reyes na inabot lamang ng ilang buwan in 2013.

It was in 2015 nang maging girlfriend ni Derek ang modelong si Joanne Villablanca who has a daughter sa kanyang previous relationship. Pero kamakailan lamang ay nauwi rin ito sa hiwalayan.  Inakala pa naman noon ng mga kaibigan nina Derek at Joanne na ito’y mauuwi sa kasalan.

Although inamin na ni Derek ang kanilang recent break-up ni Joanne, wala itong inilahad na dahilan ng paghihiwalay.

Hindi naman kaya ma-link si Derek sa kanyang 29-year-old Kapuso sexy star leading lady sa “The Better Woman” na si Andrea Torres?

Samantala, magkalayo man si Derek at ang kanyang unico hijo (sa ex-wife na si Mary Christine Jolly) na si Austin, the actor makes it a point na tuluy-tuloy ang communication nila ng anak na naka-base sa Dubai with his mom.  Not too long ago ay nagkitang muli ang mag-ama nang magtungo si Derek ng Dubai.

Kahit paano ay gustong bumawi ni Derek sa anak.