Derek naghahanda na para sa hinaharap, Andrea naipakilala na sa parents

August 22, 2019
Derek Ramsay and Andrea Torres
Derek Ramsay and Andrea Torres

AFTER his short-lived relationship with his ex-wife na si Mary Christine Jolly with whom he has a teen-age son na si Austin,  ang bagong Kapuso actor na si Derek Ramsay has had quite a number of women na na-link sa kanya tulad nina Solenn Heussaff, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Cristine Reyes at dalawang non-showbiz na sina Alexa Amos at Joanne Villablanca.  Sa mga nabanggit, si Joanne ang kanyang pinakamatagal na naging girlfriend na umabot ng halos anim na taon.

Si Derek ay nauugnay ngayon sa kanyang co-star sa “The Better Woman” na si Andrea Torres. Balitang naipakilala na niya ito sa kanyang mga magulang.

Speaking of Derek, plano nitong lumipat sa kanyang ipinagawang four-storey house sa Alabang where he wants to celebrate his 43rd birthday on December 7.

Ang parents ni Derek na nakatira ngayon sa Tagaytay ay gusto niyang sa kanya tumira para magkakasama sila.

Since four floors ang bahay ng actor, pinagawan niya ito ng sariling elevator.  Ang basement ng bahay ni Derek ay nakalaan sa kanyang luxurious cars habang ang kanyang entertainment area ay matatagpuan sa roof deck ng bahay.

Kapag nakalipat na si Derek sa kanyang bagong ipinagawang malaking  bahay, he plans to sell his other house (also in Alabang) kung saan siya nakatira ngayon.  Balak din niyang magpatayo ng eco-homes in Tagaytay kung saan sila may property.  Napag-alaman din namin na nakapag-invest na rin si Derek ng kanyang sariling resort sa San Vicente, Palawan na meron nang direct flight from Manila sa pamamagitan ng Sky Jet.

Samantala, isa si Derek sa mga marunong mag-invest ng kinikita from showbiz and product endorsements.