Derek nagulat sa natuklasan kay Andrea

July 04, 2019
Derek Ramsay and Andrea Torres

NAGUGULAT ang sexy actress na si Andrea Torres tuwing matatanong siya kung kailan niya na-lost ang kanyang virginity.

Kinikilabutan siya, pero, pilit niyang inuunawa at nginingitian na lang ang mga ito. Hindi rin naman masisisi ang mga nagtanong lalo’t napanood na ng madlang pipol ang pilot episodes ng teleseryeng “The Better Woman” na pinagtatambalan nila ni Derek Ramsay sa GMA 7 na nagsimula na noong Lunes ng gabi pagkatapos ng “Sahaya”.

Napaka-daring kasi ng mga eksena nilang dalawa.

Pero sa totoo lang, NBSB (No Boyfriend Since Birth) ang napakaseksing aktres.

At para sa isang katulad ni Andrea, hindi birong gawin ang matinding kissing scenes at bedscenes nila ni Derek, pati na rin ang mainit niyang “lap dance.”

Malaki ang posibilidad na humanga nang husto ang kanyang leading man na si Derek dahil maraming katangian si Andrea na wala sa mga nagdaan niyang ka-relasyon.

Sinasabing nakaka-relate din si Derek sa leading lady dahil sobrang close si Andrea sa kanyang pamilya. Ito rin ang kahanga-hanga kay Derek dahil tulad ni Andrea ay close na close din ang hunk actor sa kanyang pamilya, mula mom, dad at mga kapatid niya.

Tulad ng  mga pelikula at teleserye ni Derek, bilang suporta ay pinanonood ang mga ito ng kanyang pamilya kahit Tagalog ang dialogues nito.

Madalas ding kasama ni Derek ang kanyang dad kahit sa pagpirma niya ng mga kontrata.

Nalaman din ni Derek na kapag nagbabakasyon si Andrea sa ibang bansa, walang BF (NBSB nga kasi) na kasama kundi  ang kanyang pinakamamahal na ina.

Marami pa syempreng matutuklasan si Derek kay Andrea sa tagal ng pagsasama nila sa series nila. Posible rin kasing umabot ng isang taon ang itatagal ng seryeng ito, base sa response ng televiewers dahil sa ganda ng istorya nito.

Napakaganda rin ng mga impression ni Derek kay Andrea dahil nababalitaan niya na kahit seksi star ang turing  kay Andrea, malaki ang respeto ng mga kapwa artista nito sa kanya. Napakabait din kasi niya, sa totoo lang.