Home>Entertainment>Showbiz>Derek pakakasalan kaya si Andrea?

Derek pakakasalan kaya si Andrea?

Derek Ramsay and Andrea Torres

SI Andrea Torres na nga kaya ang `the one’ ng Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay?

Kung pagbabasehan ang dating history (sa Pilipinas) ni Derek ay pangwalo na ang Kapuso actress na si Andrea sa buhay ng actor.

Nauna siyempre ang kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly kung kanino siya may isang teen-age son na si Austin.

Ang pagsasama ng dalawa ay tumagal lamang ng halos isang taon, 2002 to 2003 at agad din sila nagkahiwalay.

Since then ay na-link na ang actor sa iba’t ibang celebrities na sinimulan Fil-French singer-actress-host, model na Solenn Heussaff na may asawa na ngayon at may isang anak. Tumagal din ng halos tatlong taon ang relasyon ng dalawa.

Sumunod kay Solenn ang Fil-Australian actress, host at celebrity endorser na si Anne Curtis which only lasted for almost a year.

Halos anim na taon naman ang itinagal ng relasyon ni Derek sa Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Sinundan ito ng kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Alexa Amos pero ito’y tumagal lamang in less than one year habang buwan lamang tumagal ang kanilang short-lived relationship ng singer-actress na si Cristine Reyes.

Taong 2015 nang pumasok sa buhay ni Derek ang single model mom na si Joanne Villablanca at tumagal ang kanilang relasyon ng halos apat na taon. Ang dalawa ay nagkahiwalay in May 2019.

In-admit naman ni Derek ang relasyon nila ni Andrea on September 2019 although marami ang naniniwala na nagsimula pa ng July 2019 ang relasyon ng dalawa nang magsama sila sa romance-drama TV series na “The Better Woman” ng GMA nung isang taon.

Ngayong naka-isang taon na sina Derek at Andrea, sa kasalan na nga kaya hahantong ang kanilang relasyon.

Is Derek the marrying type?

Ito’y masasagot lamang kapag pinakasalan ng actor si Andrea.

First Pinay mayor sa England pumanaw na

Cynthia Alcantara-Barker
Cynthia Alcantara-Barker

PUMANAW na si Cynthia Alcantara-Barker (58) ang kauna-unahang Filipina na nahalal na mayor ng Hertsmere District in Hertfordshire, England.

Si Mayor Barker ay na-appoint bilang mayor noon lamang nakaraang June 2020 matapos siyang manilbihang deputy mayor noong nakaraang taon, 2019. Bago ito ay nagsilbi rin siyang councilor for Elstree and Borehamwood mula May 2015 hanggang May 2019 at kasunod na rito ang kanyang pagiging deputy mayor sa loob ng isang taon. Nanilbihan din siyang kinatawan ng Borehamwood Kenilworth ward nung May 2019.

Ibinahagi ng kapatid ni Cynthia na si Gene Alcantara sa kanyang Facebook account ang pagpanaw ng kapatid last Monday, September 14.

Narito ang official statement ng pamilya: “ It is with extreme sadness that we announce the passing of The Worshipful Hertsmere Mayor Councilor Cynthia Barker following a bout of serious illness. We will be issuing further information in due course, but may we ask please to respect the family’s privacy at this very difficult time. Your prayers for the repose of her soul would however be welcome.”

Ang mga miyembro ng Hertsmere Borough Council ay nagbigay-pugay din sa yumaong mayor.

“Barker was a kind, wonderful person and hard-working community representative,” pahayag ng council leader na si Cllr. Morris Bright.

“I knew Cynthia as both a colleague and friend. Nothing was ever too much for her. She thrived at being a local councilor, always wanting to help residents with their issues. She left a lasting impression on the council and Borehamwood,” dagdag pa ni Bright.

“Barker will be greatly missed by the council,” pahayag naman ng council’s managing director na si Sajida Bijle.

“She was a trailblazer and role model for women and minorities in local government” ani Cllr Jeremy Newark, head ng labor group.

“Extremely proud of her heritage and committed to doing her utmost to champion equality and diversity for all our communities in Hertsmere”.

Nung 2017, si Barker ay napili ng Filipina Women’s Network bilang isa sa 100 Most Influential Filipina Women in the World.

Dahil sa pagpanaw ni Mayor Barker, ang mga flag sa labas ng civil officers of the council ay inilagay sa half-mast.

Anne gusto nang umuwi sa Christmas

Anne Curtis and Baby Dahlia
Anne Curtis and Baby Dahlia

HINDI ikinakaila ng 35-year-old actress, TV host, celebrity endorser at social influencer na si Anne Curtis na sobra na niyang nami-miss ang kanyang “It’s Showtime” family at pag-arte pero aminado siya na sobra niyang ini-enjoy ngayon ang kanyang pagiging hands-on mom sa kanyang 6-month-old first born na si Dahlia Amelie na isinilang nung March 2, 2020 sa Melbourne, Australia.

Ang mag-asawang Anne at Erwan Heussaff ay umalis patungong Australia December of last year para doon ipanganak ang kanilang unang baby.

Aminado rin ang mag-asawa na nagkaroon ng malaking change sa kanila bilang couple nang lumabas si Baby Dahlia. Tulad ni Anne, hands-on dad din si Erwan.

Dahil sa pandemya, na-extend ang stay nina Anne at Erwan with their baby sa Australia at kung magiging maganda umano na ang sitwasyon sa Pilipinas in December ay gusto nila na sa bansa na sila mag-spend ng Christmas at bagong taon. Ito rin bale ang magiging first Christmas ni Baby Dahlia.

Samantala, bago pa man nabuntis si Anne ay may mga proyekto na siyang naka-line-up sa bakuran ng Viva gayundin ang kanyang mga pending TV commercials which have to wait until her return. Kaya malamang na sa isang taon na niya ang mga ito masimulan at magawa.

The couple Anne and Erwan do not want to miss the many `firsts’ of their baby.

Ivana niregaluhan ng subdivision lot ang kapatid

NAPAKA-GENEROUS ng Fil-Morrocan sexy actress and YouTuber, ang 23-year old na si Ivana Alawi sa kanyang pamilya – sa kanyang Filipina mother na si Fatima Marbella at mga kapatid na sina Hashim at Mona Louise Rey.

Just very recently ay sinorpresa ni Ivana and kanyang elder brother na si Hash (Hashim) ng titulo ng lupa na naging daan ng pagkabigla at pagiging emotional nito.

Ayon kay Ivana, napaka-simple lamang umano ng kanyang Kuya Hash at hindi umano ito mahilig sa mga material at mamahaling bagay. Since magkakaroon din umano ang kanyang kuya ng sariling pamilya balang araw, naisip ni Ivana na bigyan ito ng lupa located on the same subdivision kung saan sila nakatira ngayon.

Samantala, bukod kay Raffy Tulfo na may pinakamataas na subscribers sa YouTube with 14.5M subscribers, halos magkadikit ang subs nina Ivana at Alex Gonzaga.

Ivana has reached 8.99M subs habang si Alex naman ay meron nang 8.52M subs as of yesterday.

Sina Raffy, Ivana at Alex ay maituturing na top Filipino celebrity YouTubers. Ang edge lamang ni Raffy sa dalawa ay meron siyang radio and TV component na naka-link ang kanyang radio-TV program sa kanyang YouTube.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)