Derek tuloy ang career at lovelife

May 15, 2019
Derek Ramsay & Andrea Torres
Derek Ramsay & Andrea Torres

TIYAK na na-miss ng bagong Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay ang paggawa ng teleserye. Six years ago pa ang huling ginawa niyang TV series sa dati niyang home studio, ang TV5, ang “For Love or Money” na pinagsamahan nila nina Alice Dixson at Ritz Azul (na isa nang Kapamilya actress ngayon).

It was only early last month (April) nang lumagda ng exclusive TV network contract si Derek  sa GMA7 at agad siyang binigyan ng kanyang first TV series, ang “The Better Woman” na pinagtatambalan nila ng Kapuso sexy star na si Andrea Torres mula sa direksiyon ni Mark Sicat de la Cruz na nakatrabaho na rin noon ni Derek nung nasa Kapamilya Network pa siya tulad ng “The Wedding” in 2009 at “Magkaribal” in 2010 kung kailan AD (assistant director) pa lamang ang direktor.  Naging AD rin si Mark ni Direk Andoy Ranay sa pelikulang “Trophy Wife” produced ng Viva Films at pinagsamahan nila nina Heart Evangelista, Cristine Reyes at John Estrada.

Si Derek ay nakilala nang husto sa bakuran ng Kapamilya Network.  He is currently  happily in a relationship with his partner of more than four years, ang modelo and fitness enthusiast na si Joanne Villablanca.

Bago si Joanne ay matagal na naging karelasyon ni Derek ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban at short-lived naman ang naging relasyon nila ng Viva star na si Cristine Reyes.  Bago si Angelica ay naging kasintahan din ng hunk actor ang Kapuso singer-actress-model na si Solenn Heussaff (na asawa na ngayon ng Argentinian model-businessman na si Nico Bolzico).

Matagal nang hiwalay si Derek sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly with whom he has a teen-age son, Austin.  Tumagal lamang ng halos isang taon ang pagsasama nina Derek at Mary Christine from 2002 to 2003.