Derrick napi-pressure sa pagtapat ky Coco

August 30, 2019
Derrick Monasterio

MASUWERTE ang 24-year-old kapuso singer-actor na si Derrick Monasterio dahil hindi siya nawawalan ng proyekto sa bakuran ng Kapuso network.

Matapos siyang mapanood sa “Dragon Lady” na pinagbidahan ni Janine Gutierrez, muli siyang mapapanood sa pinakabagong action-drama series na “Beautiful Justice” na pinamamahalaan ni Mark Reyes at kung saan tampok na mga bituin sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, Gabbi Garcia at Gil Cuerva kasama sina Bing Loyzaga, Victor Neri, Ian de Leon, Carlos Agassi at iba pa.

Hindi ikinakaila ni Derrick na may kasamang pressure ang bago nilang serye dahil makakatapat nito ang hindi natitinag in terms of ratings, ang top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.  Pero sa halip na magpa-pressure ay excitement ang nararamdaman ngayon ng young actor dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng kanyang home studio.  Aminado rin si Derrick na ang “Beautiful Justice” ay  isa sa kanyang pinamakalaking proyekto na nagawa and he has Gabbi Garcia for a leading lady.