Dimples malaki ang papel sa love affair nina Neil at Angel

August 22, 2019

HINDI pa man nire-reveal ng engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce ang tungkol sa kanilang kasal, tiyak na may special participation sa wedding entourage ang best friend ni Angel na si Dimples Romana.  Malamang na ito ang tumayong maid of honor sa nalalapit na pag-iisang dibdib nina Angel at Neil.

Malaki ang naging papel ni Dimples sa ginawang proposal ni Neil kay Angel last June.

Speaking of Dimples, sikat na sikat ngayon ang character niyang si Daniela Mondragon sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” bagay na kanyang ipinagpapasalamat kahit primera contravida siya sa serye.

Wala namang pinagsisisihan si Dimples sa kanyang pag-aasawa nang maaga sa mister nyang si Boyet Ahmee dahil masaya silang mag-asawa kasama ang dalawa nilang anak na sina Callie at Alonzo.

Si Dimples ay nagsimula sa showbiz during her teens nang mapasama siya sa cast ng TV series na “Esperanza” ni Judy Ann Santos in 1997 na tumagal sa ere ng halos dalawang taon.