Dimples may detalye na sa kasal nina angel at Neil

November 09, 2019
Dimples Romana & Angel Locsin

TIYAK na may mahalagang papel si Dimples Romana sa upcoming wedding ng kanyang best friend na si Angel Locsin at fiancé nitong si Neil Arce.

Sa media launch  ng Skin Magical kung saan si Dimples ang pinakabagong brand ambassadress, inamin ng actress na ino-organize na umano nila ang bachelorette party for Angel na malamang salihan din ng iba pang male friends ng soon-to-be bride.

Natutuwa si Dimples para  sa kaibigan dahil alam niyang magiging masaya ito sa piling ng kanyang future husband na si Neil.  Hindi rin nagbigay ng detalye si Dimples sa nalalapit na pag-iisang-dibdib nina Angel at Neil.

Samantala, tiyak na magiging effective na product endorser ng Skin Magical products si Dimples dahil bukod sa ginagamit at naniniwala siya sa produkto na kanyang ini-endorso, isa rin siyang effective influencer.

Bilang brand ambassadress ng Skin Magical, Dimples is also collaborating with the brand’s CEO Ghie Pangilinan who also entertains her inputs and suggestions.

Hindi naman ikinakaila ng lady boss ng Skin Magical na malaki ang naging impluwensiya ng sikat na character ni Dimples as Daniela Mondragon sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” para i-consider siya na maging celebrity endorser ng kanilang skin and beauty product line.

“Of course, malaking factor din ang kabuuan ng personality ni Dimples, ang kanyang flawless skin, ang pagiging mahusay na actress at ang maganda nitong attitude,” paliwanag ng young businesswoman  who started her business with just P7,000 as capital.

Nakatulong din kay Ghie ang background niya noon bilang online seller ng iba’t ibang produkto para mai-market niya nang tama ang Skin Magical na isa na rin ngayon sa mga kilalang skin and beauty products sa merkado.

Dahil sa pagiging successful ng business ng mag-asawang Ghie at Jerry Pangilinan, tumigil na rin ang huli sa kanyang pagiging seaman para tumulong sa negosyo nilang mag-asawa.