Dingdong, ayaw pa-pressure sa rating ng bagong teleserye

November 17, 2018
Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Masipag mag-promote sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ng Cain at Abel, ang action drama na kanilang pinagbibidahan at magpa-pilot bukas, November 19 after 24 Oras.

Si Dingdong nga, pino-post ang pictures ng kasama sa cast, pati video at BTS ng shooting nila ni Dennis.

“Ang story ng Cain at Abel iikot sa magkapatid na lalaki. It is the central plot of the whole teleserye. For me, kakaiba siya and the fact that I’ll be working with Dennis Trillo after a long time at si Solenn (Heusaff) nakasama ko sa Alyas Robin Hood, we’re going to explore something else. Most of the cast, ngayon ko lang nakatrabaho and these reasons excite me.”

Sa  tanong ng press tungkol sa ratings, sabi ni Dingdong, mas maganda kung magtrabaho sila na hindi iniisip ang ratings, pero alam niyang maganda ang material ng Cain at Abel.

Samantala, tampok sa Amazing Earth mamaya ang episode na Extreme Babies: Fussy Eaters. May segments na Kanya-kanya Na ’To, Glow-in-the Dark Baby, Abandonada, Cannibal Babies at Meryenda Time.

May interview din si Dingdong kay Gela Petines, managing director ng environmental group na Reef Nomads. Marine conservation at elimination of plastics at ibang klase ng trash ang kanilang pag-uusapan.