Dingdong, bitin sa 7-day paternity leave

January 19, 2019
Dingdong Dantes and Marian Rivera
Dingdong Dantes and Marian Rivera

Mababantayan ni Dingdong Dantes si Marian Rivera sa pagsisilang ng aktres dahil by the time na due date ng misis sa summer, tapos na ang Cain at Abel (ito ay kung ’di mai-extend).

Wala pa ring pelikulang gagawin si Dingdong dahil sabi niya, uunahin niyang bantayan si Marian.

Looking forward si Dingdong na nasa bahay lang siya at hindi nahahati ang oras at focus niya.

Sa ngayon, dahil may taping pa, nahahati ang oras niya sa bahay at trabaho.

Pabor pala si Dingdong sa paternity leave with pay sa married male employees na may asawang manganganak o nanganak.

Sana lang daw, hindi lang seven days ang ibigay na paternity leave sa husbands.

Habang nagbabantay at nag-aalaga kay Marian, magiging busy si Dingdong sa paghahanda sa mga pelikulang gagawin niya, kabilang ang ipuprodyus ng kanyang Agosto Dos Productions.

Open ito na magkasama sila sa pelikula ni Dennis Trillo para kahit tapos na ang action series nila, mapapanood pa rin silang dalawa.

Samantala, natutuwa si Dingdong na consistent na mataas ang ratings ng hinu-host niyang Amazing Earth every Sunday after 24 Oras Weekend.

Nalaman niyang hindi lang mga bata ang nanonood ng show, kundi pati adults.

Bukas, ipi-feature sa episode ang song na Bad Reputation ng eco-celebrity na si Joan Jett, ang tinaguriang “Queen of Rock and Roll.”

Bagay ang song sa mga segment, gaya ng Tropa ng mga Kontrabida at Mag-ina, Tinambangan na tungkol sa timber wolf at wolf pack na umaatake.

May segment din na Boy Siga, ang Hari ng Ilog, Killer Queen. Mga Kontrabida, Natokhang.

May interview din si Dingdong sa Amazing Earth hero na si Evangeline Domine, a housewife ng Brgy. Halayhayin, Rizal na nakatulong mabawasan ang solid waste sa Parañaque sa pamamagitan ng urban composting.