Dingdong at Dennis, ’di binabangga si Coco

November 13, 2018
Dingdong Dantes and Dennis Trillo

Kagabi ginawa ang presscon ng Cain at Abel, ang action drama na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Sa kanyang socmed account, nagbigay ng clue si Dingdong sa role nila ni Dennis sa post niyang, “Kakampi. Kaaway. Kapatid.”

“Brader” at “kapatid” din ang tawagan ng dalawa sa socmed.

Makakatapat ng Cain at Abel ang Ang Probinsyano ni Coco Martin, pero sabi ni Dingdong, hindi nila hawak ’yun at sumusunod lang sila sa desisyon ng GMA-7.

Nilinaw din ni Dingdong na hindi sila nakikipagkumpetensya ni Dennis at naniniwalang may kanya-kanyang gusto ang televiewers.

Tama ang sinabi ni Dingdong na bilang mga artista, ibinibigay lang nila ang gusto ng televiewers.

Sa napanood naming teasers, puno ng action scenes ang Cain at Abel at pagalingan sa action sina Dingdong at Dennis.

Isa sa mga napanood naming action scene ay ang habulan sa Tondo at ang paghaharap nina Dingdong at Dennis na malaki na sila.

Lalabas ang pagka-action stars nina Dingdong at Dennis sa Cain at Abel.  

Speaking of Dennis, kahit busy sa taping ng Cain at Abel, hindi pa rin makalimutan ang pagiging rock star.

Una na silang nanood ni Jennylyn Mercado ng Bohemian Rhapsody at inamin ni Dennis na fan siya ng Queen two years old pa lang siya.

Nitong huli, nanood naman sila ng concert ng Guns ’N Roses sa Philippine Arena.

Mapapanood sa video na nagsi-sing-a-long at sumasayaw pa sina Dennis at Jennylyn, kasabay ng ibang nanood ng concert.

Sa November 19 na ang pilot airing ng Cain at Abel  after ng 24 Oras sa direction nina Mark Reyes at Don Michael Perez.