Dingdong at Dennis: We're not here to compete

November 15, 2018
Dennis Trillo and Dingdong Dantes
Dennis Trillo and Dingdong Dantes

SA halip na ma-threaten na makakasagupa ng “Cain at Abel” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, mas gusto ng Kapuso primetime actors na mag-focus sa kanilang respective roles sa kanilang bagong magsisimulang TV series  ngayong  Lunes, November 19.

Parehong excited sina Dingdong at Dennis sa kanilang bagong serye kung saan sila gumaganap bilang magkapatid na lumaki sa magkaibang mundo na magkakasagupa not knowing na sila’y magkapatid.

The story, their respective roles, their co-stars, their directors excite Dingdong and Dennis no end at umaasa ang dalawa na ito’y susuportahan ng mga televiewers.

“We’re here not to compete with other programs kundi ipakita sa mga manonood kung gaano kaganda ang pagkakagawa ng “Cain at Abel” at takbo ng istorya nito,” pahayag ni Dingdong.

Although nagkasama na sina Dingdong at Dennis sa ilang serye, ito ang kauna-unahang pagkakataon na silang dalawa ang mga pangunahing bida sa isang serye ng Kapuso Network na magkatulong na pinamamahalaan nina Mark Reyes at Don Michael Perez at kung saan guest director ang action director na si Toto Natividad na isa rin sa mga director ni Coco Martin sa kanyang top-rating and long-running action-drama TV series, ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.