Dingdong first endorser ng Mesa

June 22, 2019
Dingdong Dantes

SI Dingdong Dantes ang kauna-unahang brand ambassador ng Mesa Filipino restaurant with company-owned and franchise branches  now numbering  to 63 and still growing.  Katunayan, ang ika-68 branch ay gustong makuha ng mister ni Marian Rivera kaya ngayon pa lamang ay naghahanap na siya ng magandang location.

There are other celebrity franchise owners ng Mesa tulad ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Conception sa magkahiwalay na branches ganundin ang ina ng fast-rising singer na si LA Santos, ang negosyanteng si Flor Santos.

Goal ng magkapatid na successful businessmen na  sina Rikki at Eric Dee, CEO and COO respectively ng Foodee Global Concepts na umabot ng 100 ang branches ng Mesa by year 2021 nationwide and they are also opening branches in the US, Middle East, Canada at iba pang bansa kung saan marami ang mga nakatirang Pinoy.

Hinintay ng magkapatid na Rikki at Eric na umabot ng sampung taon ang Mesa bago sila nag-consider na magkaroon ng sariling brand ambassador sa katauhan ni Dingdong (their first and final choice) na isang magandang  halimbawa  ng isang modern family man bukod pa sa kanyang propesyun bilang isang actor, TV host at product endorser.

Ang maganda pa kay Dingdong, ang kanyang pamilya lalung-lalo na ang misis niyang si Marian ay mahilig sa pagkain ng Mesa lalung-lalo na ang ilan sa mga specialty ng restaurant tulad ng crispchon, baby squid in olive oil at tinapa roll.

“It is always an honor endorsing a product or establishment  that I believe in tulad ng Mesa,” pahayag ng GMA Primetime King at host ng bagong simulang reality talent search, ang Starstruck Season 7 with Ultimate Star Jennylyn Mercado.

“Bago pa man ako naging brand ambassador ng Mesa ay pina-patronize ko na at ng pamilya ko ang pagkain nila,” dugtong pa ni Dingdong.