Dingdong first endorser ng Persian Ave.

March 09, 2019
Dingdong Dantes

ANG Kapuso primetime king na si Dingdong Dantes ang first brand ambassador ng Persian Avenue na kilala sa kanilang Beep Wrap at Chicken Pesto Wrap with 44 branches nationwide and counting.

Ang Persian Avenue ay pag-aari ng young entrepreneurs na sina Arjay at Paolo Lapid formally launched and introduced their signature brand ambassador na si Dindong na ginanap sa Event Hall ng SM North EDSA – Annex nung hapon ng Friday, March 8.  Sa nasabing okasyon din ginanap ang contract signing between the Lapid brothers and Dingdong kasama ang kanyang business manager na si Perry Lansigan.

During the press launch, inamin ng mister ni Marian Rivera na sobra umano siyang humanga sa magkapatid na Arjay at Paolo dahil napalago nila ang kanilang negosyo with only P100,000 as their initial investment na nagsimula sa isa food cart sa Marquee ng Ayala Mall in Angeles, Pampanga four years ago.  Sa loob ng apat na taon, ito’y nag-mushroom to 34 branches at ngayon ay meron na silang 44 branches and counting dahil bukas na sila for franchising.  Bukod sa business acumen ng magkapatid, napakasarap at quality ang produkto ng Persian Avenue particularly ang kanilang main products, ang Beef Wrap at Chicken Pesto Wrap.

Samantala, any day sa loob ng buwang ito ay nakatakdang isilang ng misis ni Dingdong na si Marian Rivera ang kanilang second baby na isang boy kaya magiging ate na ang kanilang panganay, ang three-year-old na si Zia na isa na ring celebrity endorser at a young age tulad ng kanyang equally popular parents.

Ibinahagi rin ni Dingdong sa mga dumalong press na ang kinikita ni Zia sa kanyang mga endorsements ay diretso umano sa kanyang sariling savings account na makukuha lamang niya kapag siya’y nasa tamang edad na.

Dahil malapit na ang paglabas ng second baby nil ani Marian, hindi na umano siya naglalalayo dahil gusto niya kasama siya ng kanyang misis sa muling panganganak nito.

“More than me and Marian, super excited si Zia sa  kanyang baby brother,” kwento ni Dingdong.

Nagtapos na ang kanyang teleserye sa GMA kaya mas may panahon siyang matutukan ang near delivery ni Marian.