Dingdong, hanga kay Dennis

November 18, 2018
Dingdong Dantes and Dennis Trillo

“Ecstatic and fulfilled!” Ito ang deskripsyon ni Dennis Trillo sa muling pakikipagtrabaho niya kay Dingdong Dantes sa action series na Cain at Abel na magsisimulang mapanood ngayon gabi sa primetime block ng GMA Network. 

“Dahil bukod sa magandang material at magandang proyekto, siyempre, kasama ko ’yung Primetime King na matagal ko nang gustong makatrabaho at matagal ko nang iniidolo,” dugtong pa ng tinaguriang Kapuso Drama King.

It’s been eight years since the last time na nagkatrabaho sina Dennis at Dong via the now defunct Endless Love (aired June 28 to October 15, 2010).

Tulad ni Dingdong, excited din si Dennis sa bago nilang proyekto. “Ibang genre ito. The last time na nagkatrabaho kami, it was drama!”

Umaatikabong aksyon at bakbakan ang mapapa-nood sa dala  wang bigating Kapuso leading men sa bagong serye.

Para kay Dennis, working with action director Toto Natividad is a fullfullment at honored siyang makatrabaho ito.

“Natutuwa ako dahil napunta siya sa progra-mang ito dahil alam kong marami siyang bagong maio-offer sa show at nakita ko po ’yun nu’ng nakatrabaho ko na siya,” pagmamalaki ni Dennis kay Direk Toto.

Playing vital roles are Solenn Heussaff and Sanya Lopez. Bahagi pa rin ng powerhouse cast ay sina Eddie Gutierrez, Chanda Romero, Dina Bonnevie, Ronnie Heneras, Tommy Abuel, Bing Pimentel, Renz Fernandez, Ervic Vijandre, Marc Abaya, Carlo Gonzales, Pauline Mendoza, Vince Vandorpe, Shyr Valdez, Leandro Baldemor, Euwenn Aleta at Boy2 Quizon.