Dingdong at Jennylyn first time magsasama

June 12, 2019

HINDI nakarating  sa press launch ng 7th season ng “Starstruck” ang tinaguriang Ultimate Star at first Ultimate Female Survivor ng reality talent search na si Jennylyn Mercado dahil nasa taping ito ng “I Love You Two” na pinagtatambalan nila ni Gabby Concepcion. Kaya nagpaabot na lamang ito ng taped message para sa mga dumalong press media.

Si Jennylyn ay co-host ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa “Starstruck Season 7” na magsisimula nang mapanood sa Kapuso Network sa darating na Sabado, June 15 pagkatapos ng programang “Daddy’s Gurl” ng `mag-amang’ Vic Sotto at Maine Mendoza. Tatayo namang Starstruck council or judges sina  Heart Evangelista, Cherie Gil at Jose Manalo  sa 22 hopefuls which will be trimmed down to 14 top finalists who will vie for the next Ultimate Male and Female Survivors na makakapag-uwi ng tig-isang milyong piso, house and lot from Camella Homes plus P5-M worth of contracts with GMA.

Ang young Kapuso star namang si Kyline Alcantara ang online host ng “Inside Starstruck” YouTube channel at siyang magbibigay ng regular update sa journey ng 22 hopefuls.

Ang original reality talent search ng Kapuso network ay nagsimula nung October 27, 2003 hosted by Dingdong Dantes and Nancy Castiglione and directed by director-turned-politician na si Lino Cayetano at kung saan sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang mga tinanghal na Ultimate Female and Male Survivors habang sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo naman ang runners-up.  Sa 2nd season ng Starstruck ay sina Mike Tan at Ryza Cenon naman ang winners na sinundan nina Jackie Rice at ang yumaong si Marky Cielo sa 3rd season.  Sina Aljur Abrenica at Jewel Mische naman ang nanalo sa 4th season followed by Steven Silva at Sarah Lahbati sa 5th season.  Ang mga Ultimate Survivors ng 6th season ay sina Migo Adeder at Klea Pineda.

Ang Final 14 ng 7th season ng Starstruck ay nakatakdang ihayag sa pagsisimula pa lamang ng programa on June 15 and 16 and every Saturday and Sunday thereafter.

Samantala, first time nina Dingdong at Jennylyn na magkatrabaho sa Starstruck Season 7 at never pa nagsama ang dalawa sa isang TV series o pelikula.