Dingdong, pahinga muna sa teleserye

February 15, 2019

Delivery boy ang drama ni Dingdong Dantes noong nakaraang Valentine’s Day dahil nag-deliver siya ng mga flower na inorder ng mga customer ng Flora Vida, flower shop ng misis niyang si Marian Rivera.

Mukhang hindi magkandaugaga ang Flora Vida sa rami ng orders noong Araw ng mga Puso kaya naman mismong si Dingdong na ang tumulong sa pagde-deliver.

Nag-post si Dingdong ng larawan niya habang nakasakay sa motor at may hawak na Flora Vida paper bag.

“And this completes the season’s full package -- naging flower model na, delivery boy pa! It was such a delight witnessing the genuine reactions of my wife’s customers today. I think I am getting the hang of it. #DingDong Thank you Angela Bumagat for the spot on coordinations,” ang caption ni Dong sa picture.

Nag-post din si Dong ng pag-congratulate sa asawa dahil sa success ng Flora Vida nang araw na ’yun.

“Congrats to this Boss Lady and the whole @floravidabymarian team for pulling off a hectic, yet productive day. Marami kayong napasaya,” ang caption ni Dong sa larawan ni Marian.

Pero kahit gaano ka-busy, nagkaroon pa rin naman   sila ng time para i-celebrate ang V-Day.

Later in the night ay nag-post ang aktor ng larawan ng candle lights na dinatnan daw niya pag-uwi niya sa bahay.

“This beautiful setup greeted me when i came home tonight. Wala akong masabi. Hanep. Saktong kwentuhan, tawanan, at syempre -- panalong boodle fight! Salamat sa aking mag-iina,” ang caption ni Dong sa larawan.

Samantala, katatapos lang ng primetime series ni Dingdong sa GMA-7 na Cain at Abel na nag-final episode na kagabi, Friday.

For sure ay magpapahinga muna ang aktor sa teleserye at baka ’yung mga naka-line-up na movie muna ang kanyang gawin.

Sinasabing isa siya sa pinagpipilian na aktor na magbibida sa remake ng Korean hit drama na Descendants of the Sun pero wala pang definite rito.