Dingdong, papalitan si Marian sa ‘Tadhana’

March 18, 2019
Dingdong Dantes & Marian Rivera

Maaga pa lang noong Sunday ay inanunsyo na ni Marian Rivera sa kanyang Instagram account na may papalit sa kanya bilang host ng Tadhana habang naka-maternity leave siya.

Malapit na ngang manganak ang aktres sa kanilang pangalawang anak ni Dingdong Dantes.

Post niya sa kanyang IG, “Shhhh! May bagong tadhana host while I'm on my maternity leave. Can you guess who? To be revealed tonight on #TheDantesSquad!”

Ang Dantes Squad ang pangalan ng YouTube channel ng pamilya Dantes.

At ’yun na nga, that Sunday night, ni-reveal nila sa YouTube kung sino ang papalit sa kanya -- walang iba kundi ang mister niyang si Dingdong.

Sa video ay makikitang sinorpresa ni Marian ang asawa sa taping ng Tadhana para i-welcome ito.

Nagpagawa pa siya ng welcome cake at dinala sa studio.

Habang rolling ang camera, biglang pumasok sa eksena si Marian na may dalang cake at aniya, “Surprise!” na ikinagulat ni Dingdong.

Nagpasalamat si Marian sa mister for accepting the show dahil mahal na mahal daw niya ang Tadhana.

“Thank you for accepting this project at alam mong mahal na mahal ko ’tong project na ’to,” she said.

Sagot naman ni Dong, “Walang anuman, boss!” at nagpasalamat din ang aktor sa Tadhana team for welcoming him.

Makikita sa video na talagang malaki na ang tiyan ni Marian.

Nabanggit ni Dingdong two weeks ago sa press launch ng iniendorso niyang Persian Avenue na in a few weeks ay manganganak na ang misis niya sa kanilang baby boy.