Dingdong sinimulan na ang delivery business

July 07, 2020
Dingdong Dantes

LAST Monday, July 6 ay nagsimula nang mag-training  ang magiging riders ng bagong launched na delivery app ng Kapuso actor, celebrity endorser, movie producer and entrepreneur na si Dingdong Dantes, ang kanyang Dingdong.Ph. which he announced sa kanyang social media account last June 11.

Following the health protocol set by the government, inaasahan ng mister ni Marian Rivera na magiging competitive ang bagong delivery app na Dingdong.Ph.

Bukod sa bagong tayong   business ni Dingdong, siya rin ang tumatayong pinuno ng bagong tatag na AKTOR: League of Filipino Actors na mabilis na dumarami ang mga member.  Isa rin siyang marine reservist where he holds the rank ng master sergeant.

In 2014, Dingdong was appointed by former Pres. Noynoy Aquino as commissioner ng National Youth Commission (NYC) na kanyang pinagsilbihan ng ilang taon.

Makailang beses na ring hinikayat si Dingdong na pumasok sa pulitika pero ito’y kanyang dini-decline. He’s not closing his doors though.