Direk Cathy extends stay at ABS-CBN

September 24, 2019

IS Direk Cathy Garcia-Molina extending her stay as in-house director ng Star Cinema at ABS-CBN?

Si Direk Cathy ang director ng reunion movie nina Piolo Pascual at Claudine Barretto na kukunan sa ibang bansa, either sa Prague o sa Florence.  Siya rin ang director ng bagong ginagawang TV series  ng magka-loveteam at real-life sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil na pinamagatang “Make It With You” which is partly shot in Croatia.

Direk Cathy directed the first two TV series nina Liza at Enrique, ang “Forevermore” at “Dolce Amore”. She also directed the hit movie of LizQuen, ang “My Ex and Whys” in 2017 na kumita sa takilya ng P400-M.

Kung magi-extend si Direk Cathy, marami pang ibang Kapamilya stars ang naghihintay na madirek ng box office director na kagagaling lamang sa mega hit movie na “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na humamig sa takilya ng halos isang bilyong piso, making the movie the highest grossing Filipino film of all time.  The movie surpassed the record made by Kathryn and Daniel Padilla last year sa pamamagitan ng “The Hows of Us” na dinirek din ni Direk Cathy.

Hindi kaya muling hiritan si Direk Cathy ng reunion project nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na ang huling pinagtambalang pelikula ay ang “Second Chance” na dinirek din ni Direk Cathy?