Home>Entertainment>Showbiz>Direk Cloyd pumanaw na, pamilya humihingi ng tulong

Direk Cloyd pumanaw na, pamilya humihingi ng tulong

Cloyd Robinson

SUMAKABILANG-BUHAY last Monday ng 9:10 pm, August 31, 2020 ang veteran actor-director na si Cloyd Robinson dahil sa atake sa puso. He was 71. Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Cloyd include “Risa Jones: Showgirl” in 1979, “Love Affair” in 1980, “Super Ranger Kids” in 1997, “Barang” in 2006 at “I’ve Fallen For You” in 2007. He also co-directed with Erastheo `Baby’ Navoa “Darna and Ding” played by Vilma Santos and Nino Muhlach in 1980. Kabilang din siya sa short film na “Ang Mananahi” na dinirek ni Dave Cecilio.

Bago inatake sa puso ay ka-text pa ni Cloyd nung umaga ang isa sa kanyang close friends, ang veteran actress na si Deborah Sun.

Although walang kinalaman sa Covid-19 ang ikinamatay ng actor-director, nakatakda siyang i-cremate dahil bawal umano itong iburol sa rami ng Covid-19 cases sa kanilang lugar sa Silang, Cavite malapit sa border ng GMA.

Humihingi umano ng tulong pinansyal ang mga kaanak ng namayapang actor-director nasi Cloyd para sa kanyang cremation. Maari umanong magpadala sa pamamagitan ng G-Cash kay Rhosnel Encarnacion at #0915-1627732.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)