Direk Joel, may napansin sa working attitude ni JM

November 12, 2018
JM de Guzman

AYON sa TV commercial and film director na si Joel Ruiz, matagal niyang trinabaho ang pelikulang Kung Paano Siya Nawala na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Rhian Ramos na prinodyus ng TBA Studios.

“Mga five years ko ring ginawa ito.  I wrote this five years ago with Aloy Adlawan. And then, ang tagal kong nakakuha ng funding, in-apply ko siya sa kung anu-anong festival, may mga rejections,” pagtatapat ng director sa aming interbyu.

May mabuti rin namang daw naidulot sa kanya na hindi agad natuloy ang paggawa niya sa Kung Paano Siya Nawala.

“Okey rin, kasi I got my ideal cast, nakuha ko ’yung gusto kong artista. Tapos I got my producer,” reaksyon niya.

Ayon pa sa kanya, muntik na siyang mag-give-up sa pagkuha kay JM pero buti na lang daw at naging okey din ang lahat sa bandang huli.

“Nu’ng nagkaroon ng time na puwede na sana, I was supposed to start shooting, hindi naman okey si JM. As in nag-approach na ako ng ibang actors, pero hindi rin natuloy. Hindi nag-materialize.

“So eksakto, nung time na, sabi ng TBA game na, let’s do this, eksakto namang patapos na siya sa loob (ng rehab). In fact, nung firs time kong pinitch sa kanya yung project nasa loob pa siya. Sobra siyang na-overwhelm.

“Sabi pa nga niya, ‘Direk,  feeling ko nga ako yung sinulat mo.’ Tapos marami din silang similarities nung karakter,” kuwento pa ng director.

First movie ni JM ang Kung Paano Siya Nawala pagkatapos niyang magpa-rehab. Kumusta naman ang working attitude ng aktor?

“I have zero problems with him,” mabilis niyang sagot.

“In fact, pag kinukuwento sa akin nung mga tao yung how he was during that time, hindi ko mapaniwalaan na is it the same person. Kasi he was always on time. Fully research siya and then yung performance niya laging on point.

“In fact, sobra akong natutuwa sa kanya. Lagi kong dinadamihan yung takes kahit na maganda na yung take kasi laging iba-iba  yung binibigay niya, alam mo yon. May binibigay siyang iba all the time, and as a director yon ang gusto mo, eh, di ba? Ang swerte ko na wala akong problema sa artista,” patuloy niyang paliwanag.

Showing na ang Kung Paano Siya Nawala sa Nov. 14.