Direk Paul nagsimula sa hirap

July 19, 2019

ANG commercial-turned concert, music video director and now debuting as full length film director Paul Alexei Basinillo in Viva Films’ upcoming dance movie “Indak”  ay nagsimula sa humble beginnings.  Namasukan siyang waiter ng Holiday Inn Manila nung 1993 at naging messenger-delivery boy in 1994 sa Buy & Sell Philippines habang isinisingit ang kanyang pag-aaral.  In 1995 ay nagtapos siya as marketing artist sa ACA Video.  Kasunod na rito ang pagta-trabaho niya bilang art and creative director ng ilang major ad agencies.  Ito rin ang naging daan niya sa pagdidirek ng mga TV commercial, some of which won awards both here at sa New York ad fest. At kasunod na rito ang pagdidirek niya ng mga music videos and on to major concerts na kanyang sinimulan kay Sarah Geronimo sa kanayng “24/SG” concert na sinundan ng “Kimetro MV 2015,” maging ang concert ni Bamboo at Yeng Constantino in 2014. Sinundan ito ng marami pang iba.  Katunayan, halos lahat ng major concerts produced ng Viva Live ay si Paul ang stage director.

Sumubok na rin si Paul sa pagiging TV director ng kanyang gawin ang mini series for Cignal TV at Sari-Sari Channel na “Tabi Po” mula sa award-winning graphic novel ni Mervin Malonzo and streaming on Cignal TV.

Paul is debuting as a film director sa pamamagitan ng dance movie na “Indak” na pinagtatambalan for the very first time nina Nadine Lustre at Sam Concepcion at nakatakdang ipalabas sa darating na August 7, 2019.

Direk Paul is also partner ng Epik Studios, Inc.