Direktor, tahimik sa pagkamatay ni Eddie

June 24, 2019

MAITUTURING na box-office hit ang three-day wake ng movie and television icon na si Eddie Garcia sa Heritage Memorial Park mula nung Biyernes (June 21) ng hapon hanggang nung nakaraang Linggo (June 23) ng gabi, isang indikasyon how well-loved he was in and out of showbiz.

Magkakahalong mga taga-industriya, larangan ng pulitika at negosyo ang sama-samang nagbigay-pugay sa isang maituturing na alamat ng industriya who, at age 90 ay hindi huminto at nagretiro sa kanyang trabaho up to the very end.

Malungkot man ang iniwang pamilya ni Eddie, his long-time partner of 33 years na si Lilibeth Romero, his two step-sons na sina Nikki at ang businessman at iPacman partylist representative na si Mikee Romero maging ang living biological son ni Eddie na si Erwin Garcia, masaya naman sila sa overwhelming na ipinakitang pagmamahal at respeto rito ng mga tao in and out of showbiz.

Nag-iisa lamang si Eddie Garcia at mahirap nang maabot o mapantayan man lamang ang kanyang ipinamalas sa industriya na. kanyang pinaglingkuran sa loob ng 70 years.

Samantala, binigyan ng full military honors ang namayapang multi-award winning actor-director dahil bago siya pumasok ng showbiz in late 1949 ay nagsilbi siya sa Philippine Scout at a young age at nadestino siya sa Okinawa, Japan bilang military police.  Ito’y nangyari pagkatapos ng World War II.

Isang nakatuping Philippine flag ang itinabi sa kanyang urn at binigyan siya ng changing guards during his three-day wake.

Samantala, hindi pa malinaw kung ipagpapatuloy o mahihinto ang taping ng bagong action-drama series ng GMA, ang “Rosang Agimat” na launching TV project ni Gabbi Garcia bilang action star matapos sa nasabing proyekto naaksidente si Eddie.

Magmula nang maaksidente si Eddie sa actual taping ng “Rosang Agimat” sa Tondo, Manila nung June 8, 2019 ay hindi pa nagbigay ng kahit anong pahayag ang director ng bagong serye na si Toto Natividad at nanatili itong tahimik hanggang ngayon.