Disabled!

January 05, 2019
Gretchen Barretto

Netizens, off limits sa tirada ni Greta kay Kris

Naka-disable ang comment box ng Instagram (IG) ni Gretchen Barretto kung saan nag-comment siya ng “I feel for Mr. Nicko Falcis after reading this article (lumabas sa PEP). I salute him for his courage to speak the truth, fight for his family name & reputation inspite of the threat to his life. No to bullies!!! STOP POWER TRIPPING.”

Hindi makapag-comment ang netizens sa post na ito ni Gretchen, pero sa PEP, libreng mag-comment ang mga nakabasa sa kanyang post.

Habang nagde-deadline, wala pang reaction si Kris kay Gretchen.

Kagabi, may presscon si Kris sa bahay nito kasama ang kanyang lawyers.

Inuna niya ang sagot sa counter affidavit ni Nicko Falcis, pero tiyak na ’pag may nagtanong ng isyu kay Gretchen, sasagutin din niya.

Maaalalang magkamag-anak sina Kris at Tonyboy Cojuangco, ang long-time partner ni Gretchen.

* * *

Palaban ang Reality Entertainment this year sa magagandang pelikula na handog nila sa moviegoers.

Kasama rito ang mga pelikula nina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos and in fact, kasama ang dalawang pelikula sa pina-plug.

Kwaresma ang title ng movie ni Sharon kung saan  gaganap na asawa niya si John Arcilla.

Sa Baguio ang location ng horror movie na sabi ni Sharon, sa May na ang playdate ng pelikula.

May title namang The Passover ang pelikula ni Judy Ann Santos na dahil hindi pa nagsisimula ang shooting, hindi pa natin alam ang story at kung sino ang kanyang makakasama.

Nakakatuwa lang na active ang mga movie producer sa pagpuprodyus ng mga pelikula at sana ay ma-maintain hanggang sa 2019 Metro Manila Film Festival.