Home>Entertainment>Showbiz>Displaced TV at film workers, tutulungan ni Dingdong sa kanyang bagong business

Displaced TV at film workers, tutulungan ni Dingdong sa kanyang bagong business

Dingdong Dantes

LAYUNIN ni Dingdong Dantes na makatulong sa kanyang mga katrabaho sa TV at film industry sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong business na DingdongPH, isang food delivery service app.

Ayon sa Descendants of the Sun lead actor, adbokasiya niya ito para matulungan ang mga katrabaho sa industriya na nawalan ng pagkakakitaan bunsod ng pandemya. Maging siya raw ay may firsthand experience na sa pagde-deliver nang tumulong siya sa flower business ng asawang si Marian Rivera.

Aniya, “Masaya akong ginawa ko ‘yun para sa kanya. I’m looking forward to be one of the delivery servicemen in one of these days.”

Bilang paghahanda, nag-organisa si Dingdong ng training para sa mga rider dahil mahalaga ito para sa kanilang kaligtasan.

Dagdag pa niya, “Maraming aksidente sa kalsada kung saan involved ang mga motorcycle riders kaya mahalaga na kung sakaling may mangyari sa kanila or makakita sila ng kasamahan nila sa kalsada na naaksidente, alam nila kung paano mag-respond.”

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal