DJ Loonyo bagong internet sensation

April 05, 2020

TWENTY-eight-year-old newest internet sensation dancer-DJ Loonyo (Rhemuel Lunio in real life) is dominating the social media by storm magmula nang mag-upload siya ng dance covers last February sa pamamagitan ng “Intentions” ni Justin Bieber. Ang mga ito ay umabot ng million views.

Na-feature na rin siya sa "Magandang Buhay."

Born and raised in Cagayan de Oro, lumuwas ng Maynila si DJ Loonyo para tuparin ang kanyang mga parangap.

Bago niya binuo ang Rockwell dance group, naging miyembro siya ng Rockstar dance group.  There were also times na nagi-spin siya sa Cove Manila in Okada at doon niya nakuha ang tag na DJ Loonyo.

Bilang founder-member at choreographer ng Rockwell dance group, naging champion ang grupo sa 2017 Champions Tour Open Division at sa 2018 Dance Star Croatia at nung nakaraang taon, 2019 sa final dance concert ng Rockwell ay tuluyan nang nagpaalam si DJ Loonyo sa grupo dahil kailangan na niyang mag-fulltime sa kanyang pagtuturo ng sayaw sa isang dance studio sa China.

DJ Loonyo turned 28 last April 4.  Kung saka-sakali mang magkaroon siya ng girlfriend, hinahanap niya sa isang babae ang God-fearing, responsible and family-oriented at napakarami nang babae ang nagnanais at umaasang  kanyang maging kasintahan.