‘Doctor Atom’ nanggulat sa viewers

May 23, 2020

KAHIT ang Kapuso news personality na si Atom Araullo, hindi nakatakas sa trip down memory lane courtesy ng nagbabalik na pambatang program na Art Angel. Muli ngang nabuhay si Doctor Atom na minsang nagpamalas ng kanyang galing sa arts and crafts sa episode ng Art Angel kasama ang host na si Pia Arcangel. Gamit ang styropor, sinubukang gumawa ni Atom ng doctor’s bag. Aliw na aliw naman ang mga manunuod dahil ang lakas daw makabata ng programang muling pinapalabas sa Kapuso Network tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ng umaga. 

Kung tutuusin, lumaki na sa harap ng camera si Atom dahil bata pa lang, napapanuod na siya sa sa isang children-oriented TV show. Naging bahagi rin si Atom ng 24 Oras noon para sa segment na "ATOMic Sports". Ngayon nga ay isang award-winning news personality at documentarist na si Atom at anchor ng online nightly newscast na Stand for Truth at host ng The Atom Araullo Specials. 

Napapanuod din siya ngayon sa 24 Oras gabi-gabi.