Doktor ni Manoy Eddie, may ipinayo sa pamilya

June 18, 2019

PINAPAYUHAN ng attending physician na si Dra. Regina Macalintal Canlas ang pamilya ng nakaratay pa ring veteran actor na si Eddie Garcia na limitahan ang pagtanggap ng bisita. Ito raw ay upang makaiwas sa pagkakaroon ng kumplikasyon.

Hirap sa paghinga ang aktor kaya may nakakabit ditong ventilator. At kinakailangan din itong bigyan ng stabilizer para sa blood pressure.

Mahigit sa isang linggo nang nakaratay sa Makati Medical Center si Manoy Eddie pagkatapos maaksidenteng madapa sa set ng "Rosang Agimat," ang bagong TV series na ginagawa niya sa GMA7.

Sa nominees night ng Eddys awards na ginanap sa Annabel's restaurant sa Quezon City noong nakaraang Sabado, nagpahayag ng saloobin ang aktor na si Tony Mabesa na kasama ni Manoy Eddie sa pelikulang Rainbow's Sunset. Ayon sa kanya, 'nagagalit' siya sa nangyari sa aktor. Ganito rin ang saloobin ng direktor na si Joel Lamangan.

Nasa state of comatose pa rin si Manoy Eddie.