Donny nasaktan sa salita ng direktora

February 13, 2020
Donny Pangilinan
Donny Pangilinan

KINULIT ng mga kapatid na babae si Donny Pangilinan para ituloy ang pangarap nilang mag-artista ang huli. Naniniwala kasi sila na may malaking lugar si Donny sa showbiz. Bukod sa acting, maitutuloy pa rin naman niya ang TV hosting at  bilang DJ sa MYX. Kahit hindi nagsasalita ang kanilang mom (my favorite actress and good friend na si Maricel Laxa), alam niyang tama ang hinala ng mga kapatid ni Donny. She should know dahil she was also a great actress and TV host before.

Nasaktan kasing lubha si Donny nang marinig ang comment ng isang movie director na “hilaw” pa ang acting niya sa isang workshop. Actually, inisip niyang pumunta na lang sa ibang bansa at doon mag-aral, tulad ng kanyang dad na si Anthony Pangilinan (nakababatang kapatid ni Sen. Kiko Pangilinan).

Masayang-masaya na rin ngayon si Donny  kasama ang co-stars na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio habang nagpo-promote ng “James and Pat and Dave,” na palabas na ngayon sa mga sinehan.