Double meaning?

January 02, 2019
Martin del Rosario

Socmed post ng direktor, patama kay Christian?

Kami lang siguro ang nakaisip na may double meaning ang post ni Director Jun Lana nang pagtabihin ang photos nina Christian Bables at Martin del Rosario na parehong gumanap na Barbie sa Beautiful movies ng  The IdeaFirst Company.

Si Christian, gumanap na Barbie sa Die Beautiful, at si Martin ang bagong Barbie sa Born Beautiful.  Kaya naisip naming may double meaning dahil may “Goodbye 2018” sa picture ni Christian at “Hello 2019” naman sa picture ni Martin.

Alam sa showbiz na nagkaroon ng isyu si Christian kina Directors Jun at Perci Intalan, pero ayos na sila ngayon.

Sa series of tweets, pinaliwanag ni Christian kung bakit napalitan siya sa role ni Barbie sa Born Beautiful  na showing na sa January 23, sa direction ni Perci. 

May special participation pa rin sa Born Beautiful si Paolo Ballesteros na bida sa Die Beautiful.

Samantala, sa Jan. 18 na ang screening ng uncensored version ng Born Beautiful na may paalala na “For Mature Audience Only.”

Sa UP Film Cine Adarna ang screening ng movie na maraming pasabog.

Post nina Direk Jun at Direk Perci: “BORN BEAUTIFUL is rated R-18  with cuts by the MTRCB. But before we open in cinemas on Jan. 23, we will show the full UNCENSORED VERSION for ONE SCREENING ONLY at the UP Cine Adarna on Jan. 18, Friday, at 7 p.m.! Keep checking the Die Beautiful FB page for details. Limited seats only!”