Duterte supporters tahimik

February 14, 2020

ABS-CBN is in hot waters.

Kaugnay ito sa papalapit na expiration ng franchise nito ngayong March 30. Hanggang ngayon 'di pa rin tinatalakay sa Kongreso ang franchise renewal nito. Kaya naman inunahan na ng Office of the Solicitor General ang paghahain ng "quo warrranto" at mismong si Solicitor General Jose Calida ang personal na naghain nitong February 10. In legalese term, quo warranto is a "prerogative writ requiring the person to whom it is directed to show what authority they have for exercising some right, power, or franchise they claim to hold." Ito rin ang legal stategy na ginawa laban sa napatalsik na  Supreme Court Chief  Justice na si Maria Lourdes Sereno.

Dahil dito, nabulabog ang mga empleyado at supporter ng Kapamilya network. Ginamit na profile picture sa kani-kanilang social media account ang "ABS-CBN logo against black backdrop" bilang pagpapakita ng suporta laban sa diumano'y panggigipit ng administrasyong Duterte laban sa network. Simula pa lang, lantaran na ang pagtutol ni Pangulong Rody Duterte na ma-renew ang franchise nito dahil sa diumano'y 'di pagbabayad ng buwis, 'di pag-ere sa kanyang political ads noong nakaraang Presidential Elections at iba pang kadahilanan.

Bago pa ang paghain ng quo warranto, naging maingay ang network sa kaliwa't kanan nitong projects na akala mo'y nagkukumahog na maipalabas lahat ang mga ito bago sa deadline. At naglabasan pa ang mga artikulo na nagsasabing di raw sila apektado sakaling di ma-renew ang prangkisa. Dahil tuloy naman daw ang operations ng digital platform nito. Kaso sa quo warranto, isinama ang ABS-CBN Convergence sa kaso. The legal saga continues.

Sa tila pagwawalang-bahala ng network, mukhang na-provoke ang administrasyon para lalong isulong ang pagpapasara nito. Sa kasong ito, makukumbinse kaya ng mga Kapamilya star na supporters ni Pangulong Duterte para di na ito tuluyang ipasara? Just asking...

Disclaimer:

For reactions/ comments text or call 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com