Home>Entertainment>Showbiz>EA inihandog ang panalo sa 4th EDDYS kay Shaira

EA inihandog ang panalo sa 4th EDDYS kay Shaira

Edgar Allan Guzman
Edgar Allan Guzman

WAGI ang Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman as “Best Supporting Actor” sa 4th Entertainment Editors’ Choice (EDDYS) Awards for Movies ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap noong Linggo, April 4.

Pinarangalan si EA para sa kanyang pagganap bilang si Neb sa pelikulang Coming Home.

Ibinahagi ni EA na hindi niya inaasahan ang pagkilalang ito. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya.

“Oh, my God! Unexpected,” aniya sa kanyang speech. “Unang-una gusto kong magpasalamat kay Lord for the talent and the passion. ‘Yung every project na ibinibigay N’ya sa akin, andoon ‘yung passion at pagmamahal ko sa craft ko at hindi n’ya iniiwan bigla kundi binibigay N’ya. Thank you sa lahat ng bumubuo sa The EDDYs, sa SPEED, ito ang kauna-unahang award ko sa inyo and this means a lot to me.”

“Idini-dedicate ko po itong award ko sa aking family, kay Shaira [Diaz], sa lahat ng aking mga inspirasyon, sa mga sumusuporta, sa mga nagmamahal, sa GMA Network family, Artist Center, and ALV family, maraming salamat po,” dagdag pa ng Kapuso star.

Samantala, abangan si EA sa Heartful Café na malapit nang mapanood sa GTV at Agimat ng Agila sa GMA-7.

‘Dito at Doon’ worth watching and searching for

HINDI dapat palampasin ng manonood ang pelikulang “Dito at Doon” mula sa TBA Studios na tinatampoukan nina Janine Gutierrez at JC Santos. Kakaibang kuwento ito na naganap sa gitna ng Covid 19 pandemic.

Sa pelikulang dinirek ng mahusay na direktor na si JP Habac, isang political science student si Janine na maraming opinyon sa buhay (like she’s playing herself), samantalang si JC ay isang working student. They met online, at sa simula, hindi sila nagkasundo sa mga bagay bagay, pero kalaunan ay na in love sa isa’t isa.

But that’s not the real gist of the story. Kailangang panoorin ito to really appreciate the movie with a twist and surprise ending. Without giving too much, “Dito at Doon” is one of Direk JP’s obras, na talaga namang hindi run of the mill.

Malaking bahagi rin ng pelikula ang participation nina Victor Anastacio at newcomer Yesh Burce (na dapat bigyan pa ng maraming roles, as she’s gonna go places), gayundin si Lotlot de Leon (who plays the role of Janine’s mom, as if they’re not in real life).

Ang “Dito at Doon” is now on different platforms. Sayang lang at hindi pa bukas ang mga sinehan to fully appreciate the film. But it’s really worth watching at manghihinayang ka if you don’t try to search for it.

Rocco third wheel o kontrabida?

Rocco Nacino and Lovi Poe
Rocco Nacino and Lovi Poe

INAABANGAN ang mga kaganapan sa papel ng karakter ni Rocco Nacino sa GMA primetime series na ‘Owe My Love.’ Gumaganap si Rocco as Dr. Kenneth Paul na napapanuod sa serye nina Lovi Poe at Benjamin Alves simula pa noong Lunes, Abril 5.

Matapos madismaya sa naging pag-iwas ni Migs (Benjamin) sa pag level up ng kanilang relasyon, determinado pa rin si Sensen (Lovi) na tapusin ang kaniyang kontrata bilang caregiver ni Lolo Badong (Leo Martinez) at panatilihin ang kanilang pagpapanggap na mag-asawa ni Migs.

Muling namang magtatagpo ang kanilang landas ng dating niyang orgmate sa college na si Doctor Kenneth (Rocco). Nagbabalik si Doc Kenneth sa Brgy. Petsa de Peligro bilang bagong full-fledged cardiothoracic surgeon sa Centimos Medical Hospital at magsisilbing Head of Medical Services dito.

Tanong tuloy ng viewers, may mamumuo bang love triangle sa kanila? Si Doc Kenneth ba ay kaibigan o kaaway?

Ang ‘Owe My Love’ ay napapanood gabi-gabi, 9:35 P.M. sa GMA Telebabad.

Cassy parang hindi first timer

Cassy Legaspi
Cassy Legaspi

HINDI halatang first time ni Cassy Legaspi sa unang sabak ito ng Kapuso actress sa pag-arte sa “First Yaya.” Post nga ng netizen na si Sheee Yaaa, “Is this Cassy’s first TV series? Ang galing niyang umarte, gaya ng ina at ama niya.” Agree naman dito ang isa pang netizen na si Ines Maglinte. Aniya, “Yes natural ang pag-arte ng anak ni Carmina. Ang galing umiyak, natural lang di pilit. Congrats Cassy.”

Komento naman ni @itsurtrish, “Watching replays of First Yaya. Jusko ka Cassy Legaspi, ba’t mo ‘ko pinayak!” Nadala rin ang netizen na si Belaaaaaaa sa emosyon ng karakter ni Cassy, “Grabe dalang dala ako sa acting ni Nina. Wala akong masabi. Nakaka-proud ka talaga @LegaspiCassy.”

Maliban sa kanyang husay sa drama, marami rin ang nakatutok sa kilig na mga eksena ni Cassy at ng kanyang partner sa serye na si Joaquin Domagoso.

Napapanood ang First Yaya gabi-gabi sa GMA-7, GTV, at Heart of Asia.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal