‘Eat Bulaga’ nasa Top 6 TV programs ng buong mundo

March 09, 2019
Tito Sotto, VIc Sotto and Joey De Leon

ANG longest-running noontime variety show na “Eat Bulaga” ay isa sa Top 6 na maituturing na pinakamatagal na programa sa ere hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Ang Top 6 na listahan ng TV programs (in the world) by episode count ay pumang-anim ang Pilipinas at nasa Top 5 naman ang limang soap opera at isang talk show na nagmula sa Amerika at dalawa rito ay nagpaalam sa ere habang ang apat pa (including “Eat Bulaga” from the Philippines) ay ongoing pa rin.

Ang Top 6 list of TV programs by episode count ay pinangungunahan ng “Guiding Light,” isang soap opera (na nagsimula sa radio nung January 15, 1937) sa telebisyon na sinimulan nung June 30, 1952.  Ito’y tumagal sa ere with 15,762 episodes at 57 seasons.  Ang nasabing programa ay nagtapos ten years ago nung September 15, 2009.  Ang pangalawang programa ay ang “General Hospital” na isa ring soap opera ng Amerika na hanggang ngayon ay napapanood pa.  Ito’y nagsimula nung April 1, 1963 with 14, 242 episodes and 56 seasons.  Pumangatlo ang nagtapos nang programa na isa ring soap opera ng USA, ang “As The World Turns” with 54 seasons at nagsimula nung April 2, 1956 at nagtapos sa ere nung September 17, 2010.  Ito’y umabot ng 13,858 episodes.  Ang pang-apat ay ang “Days of Our Lives,” isa pa ring soap opera from the USA with 54 seasons na patuloy pa ring napapanood sa ere.  Ito’y nagsimula nung Nov. 8, 1965 with 13,508 episdoes ang 54 seasons.  Ang panglima ay ang “The Tonight Show,” isang talk show sa Amerika na nagsimula nung September 27, 1954 at kasalukuyan pa ring napapanood sa ere.  It has already 12,278 episodes with 64 seasons.  Ang “Eat Bulaga” ng Pilipinas ay may 39 seasons na nagsimula sa ere nung July 30, 1979 at nakapag-ikot na ng tatlong TV networs na nagsimula sa RPN-9 in 1979 up to 1989.  After ten years with RPN-9, lumipat ang programa sa bakuran ng ABS-CBN nung 1989 at ito’y tumagal sa nasabing network until 1995.  Pagdating naman ng 1995 ay lumipat na ito sa GMA7, ang tahanan ng “Eat Bulaga” for the last 24 years up to the present.

Nagkaroon man ng maraming pagbabago at iba’t ibang co-hosts at kasama sa “Eat Bulaga,” nananatili pa ring buo ang pillars at main hosts ng programa na binubuo nina Tito Sotto (Senate Pres. Tito Sotto), Vic Sotto at Joey de Leon except for Tito Sen na paminsan-minsan na lamang napapanood sa programa dahil sa kanyang current position as Senate President.

Ang “Eat Bulaga” ay produced ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) na pinamumunuan ni Antonio `Tony’ Tuviera na siya ring pinuno ng APT Entertainment and Triple A Talent Management.

Ang “Eat Bulaga” na may sarili na ring studio na matatagpuan along Marcos Highway in Cainta, Rizal ay magsi-celebrate ng kanilang ika-40th year sa darating na July 30, 2019.

Speaking of “Eat Bulaga” hosts na sina Tito Sen, Vic at Joey, alam ba ninyo na hanggang ngayon ay walang existing contract ang tatlo sa TAPE, Inc. dahil  namamayani sa kanila ni G. Tuviera ang tapat pagkakaibigan at loyalty at parang magkakapatid at pamilya na ang kanilang turingan.