‘Eat Bulaga,’ tuloy ang paglipat sa hi-tech na studio

November 28, 2018
Eat Bulaga Dabarkads

TULUY na tuloy na ang paglipat ng studio ng Eat Bulaga matapos ang ilang dekada na pananatili sa Broadway Centrum studios.

Ayon sa nalaman namin, sa December 8 na ang lipat-bahay ng Bulaga sa ipinatayong studio sa Cainta, Rizal, along Marcos Highway.

Public holiday ang nasabing petsa dahil Immaculate Conception feast ’yon. Magandang blessing ’yon.

Sariling bahay na ng EB ang lilipatan at super high-tech ang pasilidad na ito.