Eddie, game sa torrid kissing scene kay Tony

December 02, 2018
Eddie Garcia

Ang kissing scene nina Eddie Garcia at Tony Mabesa sa pelikulang Rainbow’s Sunset ang isa sa mga naitanong sa dalawang bida kahapon sa presscon para sa naturang Metro Manila Film Festival 2018 entry directed by Joel Lamangan.

“I was supposed to be sick, so he kissed me and I kissed him back,” pahayag ni Tony.

Wala naman daw torrid kissing scene na nangyari pero ayon kay Manoy Eddie, kung meron, he would still do it.

“If the script calls for it, okay lang sa akin, trabaho lang ’yan, eh,” pahayag ng veteran actor/director.

Sa pelikula ay ginagampanan ni Eddie ang papel na gay na nagdesisyong iwan ang kanyang pamilya para samahan at alagaan ang matalik na kaibigang si Fredo (Tony) na may sakit na kanser.

Pero ang talaga raw may matinding kissing scene ay ang gumaganap na young Eddie and young Tony na sina Shido Roxas and Ross Pesigan.

Ang tsika pa, sumisigaw na raw ng “cut” si Direk Joel ay tuloy pa rin ang halikan ng dalawang aktor.

Ayon kay Ross, talaga raw hindi nila narinig na sumigaw ng “cut” ang direktor.

“Bago po namin ginawa ’yung scene, kinausap po kami ni Sir Joel na “kung ayaw n’yong umulit ito, gawin n’yo nang maayos,” sinasabi niya. So, one take naman po. Tinodo na po.  ’Yun, panoorin n’yo na lang po,” sabi ni Ross na natatawa.

Ayon naman kay Shido, ito ang first time niya na gumawa ng kissing scene sa kapwa-lalaki at pumayag siya dahil si Direk Joel ang direktor.

Pakiramdam daw niya ay haba ng kissing scene at hindi raw nagka-cut si direk.

Sabi naman ni Direk Joel,  “nag-cut ako, hindi n’yo narinig.”

Tawanan.

They were so concentrated,” sabi pa ni Direk Joel.

Sabi ni Shido, since first time nga niya ito, hindi raw niya ma-explain ang pakiramdam habang ginagawa nila ang eksena.

“Ewan ko ba, hindi ko maintindihan ’yung pakiramdam na ’yun. Nagdadasal ako habang ginagawa namin, sabi ko, ‘sana, matuwa si direk nito.’ Para bang nagko-contemplate ako, sabi ko, ‘ano kaya iniisip ni direk? Sana matapos na ito,’” kwento ni Shido.

Pinuri naman sila ni Direk Joel and said, “they were very good, watch it.”

Samantala, sa naturang presscon ay hindi nakarating ang magkakapatid na Bautista ng Heaven’s Best Entertainment Productions pero nagpadala naman ng statement si Harlene Bautista na executive producer.

“Please extend my love and congratulations to the cast. And for the undying support of our friends from the media.

“Heaven's Best Entertainment will forever take pride in producing this amazing masterpiece. Thanks to Direk Joel, Tito Eddie, Tita Gloria (Romero) and the rest of the cast and the entire production team. Most of all to Sir Tony, my mentor and same with the rest of Dulaang UP, we love you and thank you for molding us in becoming the artists that we are today.

“Salamat Tito Pip (Tirso Cruz III), Aiko (Melendez) and Sunshine (Dizon). Maraming salamat sa buong cast.

“My love also to Eric Ramos (scriptwriter) sa napakagandang obra.

“We lovingly dedicate this beautiful movie to our parents Butch and Baby Bautista.

“From Herbert, Hero and Harlene Bautista, maraming salamat Po. Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

“Abangan ang susunod na obra ng Heaven's Best Entertainment,” ang nakasaad sa statement ni Harlene.