Eddie Garcia, most awarded Filipino actor

November 24, 2018
Eddie Garcia
Eddie Garcia

Ang veteran actor at bida ng Rainbow’s Sunset, official entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions para sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Eddie Garcia ay maituturing na most awarded Filipino actor.

Sa 2018 QCinema International Film Festival nitong nagdaang  Oktubre ay muling itinanghal na Best Actor ang 89-year old Bicolano star para sa pelikulang Hintayan Ng Langit na base sa isang stage play of the same title na ipinalabas sa Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Said film ay showing pa rin sa mga sinehan ngayon at katambal niya ang veteran actress na si Gina Pareño.

Hindi lang multi-awar-ded actor si Tito Eddie, tumanggap din siya ng maraming awards bilang director. Sa record ng FAMAS, Hall of Famer siya sa kategoryang Best Director.

Ayon kay Tito Eddie, kahit maraming beses na siyang nag-uwi ng acting trophies, excited pa rin daw siya sa tuwing nagkakamit siya ng nomination o kaya’y tumatanggap ng award.

“An award is a reward for a job well done and I always give my best sa bawat trabahong gina-gawa ko because I owe it to the public to give my best always. An award is just a bonus pero siyempre it feels good to be recognized for a job well done,” paha-yag pa ng beteranong aktor.

May posibilidad ding muli siyang mahirang na Best Actor sa forthcoming MMFF 2018 para sa Rainbow’s Sunset na dinirehe ni Joel Lamangan at sinulat ni Eric Ramos.

Sa naturang film, gumaganap si Tito Eddie bilang closeted gay. May relasyon sila ng kanyang kaibigan (played by Tony Mabesa) na alam naman ng kanyang asawang si Ms. Gloria Romero.

Panibagong acting challenge na naman ito for Tito Eddie who has played gay roles in the past.

“Basta may magandang script and I find the role interesting, I will accept it. Masarap gumawa ng pelikulang mahuhusay ang mga artistang kasama mo at magaling ang direktor,” lahad pa ng multi-awarded veteran thespian.