Eddie hindi inisip ang magretiro

June 14, 2019
Eddie Garcia

ATHOUGH nariyan pa rin ang isa pang living legend sa industriya, ang veteran actress na si Anita Linda (94), si Eddie Garcia ay hindi kailanman huminto sa kanyang showbiz career hanggang sa aksidenteng nangyari sa taping ng kanyang bagong ginagawang serye sa GMA.

Nung isang taon sa 2018 Metro Manila Film Festival ay nagbida pa si Eddie sa award-winning movie na “Rainbow’s Sunset” na pinagsamahan nila ng dalawa pang veteran actors na sina Tony Mabesa at Gloria Romero at dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan under Heaven’s Best Entertainment na pinamumunuan ng actress-producer na si Harlene Bautista.  Huli naman siyang napanood sa long-running and top-rating action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa mga tumatayong director ng serye.

Although nitong huli ay focused na si Eddie sa pagiging actor (both lead and support), he directed almost 30 movies, (most of them were box-office and award-winning) at siyang naghatid sa kanya sa pagiging first Filipino inductee as actor-director ng FAMAS sa tatlong magkakaibang kategorya – Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director.

Taong 1961 nang unang sumabak si Eddie sa pagdidirek sa pelikulang “Karugtong ng Kahapon” na tinampukan nina Mario Montenegro, Rita Gomez, Ric Rodrigo at Marlene Dauden na lahat pumanaw na.  Ang huli niyang dinirek ay ang “Crisis” nung taong 2005.

Ang iba pang mga classic films na kanyang dinirek include “Pinagbuklod ng Langit” in 1969, “Atsay” in 1978.  Ang iba pang pelikulang dinirek niya ay ang “P.S. I Love You” in 1981, “Sinasamba Kita,” “Cross My Heart” and “Friends In Love” in 1982.  Sumunod na rito ang “Kailan Sasabihing Mahal Kita,” “Palimos ng Pag-ibig,” “Magdusa Ka,” “Huwag Mong Itanong Kung Bakit,” “Saan Nagtatago ang Pag-ibig,” “Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin,” “Kung Kasalanan Man,” “Imortal,” at “Abakada Ina,” mostly under Viva Films.

“I take everything in moderation” ang parating sagot ni Eddie kapag ito’y natatanong kung ano ang  kanyang sikreto sa pananatili nitong matikas at malusog sa kabila ng kanyang edad.

Watchful si Eddie sa kanyang diet, nagi-exercise siya at hindi niya kinaliligtaan ang kanyang sangkaterbang food supplement araw-araw.

Never din in-entertain ni Eddie ang pagreretiro sa kanyang trabaho at age 90.