Eddie wagi sa Urian

June 20, 2019

KUNG hindi lamang in comatose state ngayon ang movie icon na si Eddie Garcia sanhi ng aksidenteng tinamo nito habang nagti-taping ng kanyang bagong TV series sa GMA, tiyak na personal nitong tinanggap ang kanyang pinakabagong parangal mula sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.  Ang 90-year- award-winning veteran actor-director ay nanalong Best Actor para sa kanyang indie movie na “ML” na ginanap sa UP Film Institute nung nakaraang Martes ng gabi, June 18.

Eddie was nominated as Best Actor para sa dalawang pelikula.  Bukod sa “ML” kung saan siya nanalo ay nominado rin siya para sa pelikulang “Hintayan Sa Langit”.

The award was accepted in Eddie’s behalf ng director ng “ML” movie na di Benedict Mique na siya ring nagbasa ng acceptance speech na nagmula sa pamilya ng veteran actor.

Ang iba pang nagwagi sa ika-42nd Gawad Urian ay sina Nadine Lustre as Best Actress for the movie “Never Not Love You,” Cherie Gil  - Best Supporting Actress for “Citizen Jake,” director-actor Joel Lamangan bilang Best Supporting Actor – for "School Service." Nanalo namang Best Picture ang “Buy Bust” na dinirek ni Erik Matti, Best Director si Denise O’Hara for “Mamang”.